Saturday, January 19, 2013

Barako Series: CADENA DE AMOR Ch. 08

PROVISO

Ang Cadena de Amor ay mga yugto sa buhay ng iba't ibang mga barako na pagtatagniin ng pagnanasa, pagpaparaya, at... pag-ibig. Nagsimula sa kuwento ng magkakaibigang sina Kanor, Dado, at Caloy, ito ay magsasanga at mamumulaklak ng samu't saring mga kuwento ng kalibugan sa buhay ng iba pang mga barako na may direkta o hindi-direktang kinalaman sa mga naunang mga tauhang nabanggit. Iikot ang kuwento, magkakaroon ng samu't saring rebelasyon, hanggang sa bandang huli'y muling magbabalik ang daloy ng kuwento sa mismong pinagmulan nito.

Ang kuwento pong ito ay pag-aari ni Ginoong A. Serrez. Ang mga ngalan ng mga tauhan, bagama't may kinalaman sa mga nakasalamuhang tao sa tunay na buhay ng may-akda, ay ginamit lamang para magkaroon ng kongkretong imahen at personalidad ang mga tauhan. Ito po ay isang fiction at ang mga sitwasyon at kaganapan sa pagitan ng mga tauhan ay walang kinalaman sa tunay na buhay ng mga taong nabanggit.

Ikawalong Bahagi
Haplos sa Laman
by: Ginoong A. Serrez

“’My,” tawag ni Vince sa ina mula sa pinto ng maliit nitong opisina sa loob ng bahay na siyang ikinalingon ng huli.

“O, dumating ka na pala... kumusta iyong movie na pinanood ninyong magkakaklase?” anito at ibinaba saglit ang hawak na bolpen. Bagaman abala ito sa ginagawang lesson plan, binigyan nito ng kaukulang pansin ang anak. Ngumiti ito habang hinihintay na makalapit ang binatilyo.

Nang makalapit, magbuhat sa likod ay yumakap si Vince at hinagkan nito ang kaliwang pisngi ng ina. “Hindi ko masyadong type iyong story. Parang masyadong magulo. Maraming mga part na dragging...”

“Hmm... well... that’s what it’s all about. However you feel, iyon ang dapat mong isulat sa reaction paper mo. Siguro kungdi iyan assignment, hindi mo papanoorin iyang movie na iyan,” kumento ng ina saka hinimas ng masuyo ang nakayakap na bisig ng anak.

“Most probably, ‘My...” sagot ni Vince, “alam mo namang hindi ko talaga hilig ang mga action movies.”

“Well, just keep your mind open... isulat mo ang mga nagustuhan mo at hindi mo nagustuhan sa movie... then rate it according to your expectations...” suhestiyon ng ina.

“That’s how I plan to do it ‘My... thanks po...” anito sa muling humalik sa pisngi ng ina, bago nagsimulang tahakin ang pinto.

Hindi pa ito masyadong nakakalayo ay bigla itong may naalalang itanong, “si Kuya po pala, dumating na po ba from Batangas?” tukoy ang nakatatanda nitong kapatid na si Lance na nagbakasyon ng ilang araw sa nasabing lugar.

“Hindi pa... bukas pa siguro iyon uuwi,” sagot ng ina na nagsimula muling ituon ang sarili sa ginagawa kanina.

“Eh si Daddy... dumating na po ba?” muli nitong tanong.

Patuloy lang sa pagsusulat ang ina pero sumagot ito sa tanong ng anak, “Pagod ang Daddy niyo. Maagang umuwi at mukhang pagod na pagod sa paperworks sa office niya. Nagpapahinga na sa kuwarto. May kailangan ka ba?”

“Allowance ‘My...” anang binatilyo. Nang mag-angat ng tingin ang ina’y kumindat ang binatilyo, saka ngumiti.

Gumanti ng ngiti ang ina bago nagsabing, “Huwag mo na munang abalahin ang Daddy mo. Ako nang bahala bukas, ok? Pinatawag ko nga si Ka Paeng para masahihin ang Daddy mo. Nakakaawa naman at talagang mukhang pagod na pagod.”

Tumango-tango si Vince nang maalala ang masahista sa barbershop sa kanto na siyang tinutukoy ng ina.

“Don’t worry, di ko iistorbohin si Daddy... Pero promise mo iyan, Mommy, ha?”  ani Vince.

“Oo na...” sagot ng ina.

Ding-dong... ding-dong...

“Iyan na siguro iyong pinatatawag ko...”

Tumayo ang ina ni Vince nang marinig ang tunog ng doorbell, pero sinansala ni Vince ang ina at iprinisinta ang sariling bumaba upang kilalanin kung sino ang nasa labas. Nang makababa’y sinalubong na siya ng katulong na si Isa na nagsabing, “Sir Vince, iyon daw pong masahista doon sa barbershop.”

“Ah siya, sige papasukin mo, tapos kuha ka na agad nang konting meryenda para sa kanya ha?” ani Vince.

Nakangiti na siya agad dahil ang ine-expect niya’y ang medyo may katandaan nang si Ka Paeng ang dumating, nguni’t napapormal siya nang ang bumungad sa pinto ay isang lalaking hindi niya kilala. Marahil ay kaedaran ito ng ama na nasa mid-thirties; medyo may kaputian ang balat nitong nababalbunan ng manipis ngunit maiitim na balahibo; neat itong magdala ng damit lalo’t mukhang alaga nito sa physical training ang katawan; maayos at may kanipisan ang pagkaka-trim ng buhok nitong paalun-alon, bagay sa hugis ng mukha nito kahit na pa may mangilan-ngilang hiblang nakasungaw na kulay puti; may kakapalan ang mga kilay nitong binagayan ng bilugang mga mata; maganda ang hugis ng ilong nito; at mamula-mula ang nakangiti nitong mga labi... natigilan si Vince nang mapagtanto niya sa sariling inaanalisa niya ang hitsura ng masahista.

May hitsura ito, mukhang mabait at mapagkakatiwalaan. Nahahawig ito, sa kaniyang unang tingin, sa dating artistang si Isko Moreno... mas masculine nga lamang ang bersyon nito.

Gayunpama’y nagtatakang naisabibig ni Vince ang paghahanap sa ine-expect na bisita, “Si Ka Paeng po?”

“Ako ang pinadala ng barbershop dahil may lakad na medyo importante si Ka Paeng. Emergency lang daw. Ako nga pala si Aldo...”

Hindi pa natatapos magpakilala ang lalaki ay nagpasintabi na kaagad si Vince, “ay pasensiya na po, Mang... Aldo po ba? Ahm, tatanungin ko lang po muna si Mommy kung okay lang kasi sanay na po kami na si Ka Paeng ang nagmamasahe kay Daddy.”

“Ah ganoon ba... sige, no problem,” nakangiti pa ring pagsang-ayon ng lalaki.

“Iwan ko lang po muna kayo saglit dito sa sala... upo po muna kayo...” magalang na pagpapaalam ni Vince bago inakyat ang ina sa opisina nito.

“Nakauniporme ba?” tanong ng ina ni Vince nang ipaliwanag niya ang sitwasyon.

“Opo,” pagkumpirma ni Vince.

Saglit na nagdial ito sa cellphone at kinontak ang barbershop upang kumpirmahin ang pagpapadala ng ibang masahista. Nang makumpirma ay nagpahayag na ito kaagad ng pagsang-ayon: “O, siya, sige... pasamahan mo na lang kay Isa sa kuwarto...”
.
“Ako na po ang bahala... mukhang may ginagawa sa kusina si Isa, eh,” muling pagpiprisinta ni Vince.

“Sige... thank you, anak,” anang ina na muling nagpokus sa ginagawa.

Bago bumaba ay dumiretso muna sa kuwarto ng mga magulang si Vince. Kumatok si Vince at nang hindi sumasagot ang ama ay ipinasya niyang pumasok.

“’Dy...” mahinang tawag ng binatilyo sa nahihimbing na ama, bahagya itong tinatapik sa braso. Ilang saglit pa bago naalimpungatan ang natutulog. Nang makita ang mukha ng anak na nabanaag niya sa malamlam na ilaw ng lampshade, pinilit nitong magpakawala ng ngiti saka nagtanong kung bakit.

“Nagpatawag po ng masahista si Mommy... nandiyan na po sa sala...” mahinang tugon ng binatilyo.

“Ganoon ba? Ambait talaga ng mommy mo,” kumento ng ama saka tuluyang lumuwang ang ngiti ... “teka, kumusta nga pala ang pinanood mo, Vince?”

“Ok lang ‘Dy... Hindi ko masyadong na-enjoy. But enough of that, ayaw ni Mommy istorbohin kita kaya mag-gu-‘good night’ na ako kaagad, ha? Paakyatin ko na ba iyong masahista?” mapang-unawang pahayag ng binatilyo.

“Pasensiya ka na anak, medyo pagod lang talaga ako... bukas ng umaga, kuwentuhan mo ako bago ka pumasok sa school, ok?”

Tumango ang anak bilang tugon saka ngumiti.

“O siya... magsa-shower lang ako ng maligamgam saglit. Pasamahan mo na lang kay Isa after 10 minutes, ok?” anang ama na tuluyan nang bumangon.

Napansin agad ni Vince na hindi pa nakapagpapalit ng pambahay ang ama. Bagaman mukha itong mas bata sa kasalukuyang edad na 37, bakas pa rin ang pagod sa mukha nito, kaya nagpasya siyang iwan na agad ang ama at bumaba na upang harapin ang masahista.

“Dalawang linggo pa lang ako sa barbershop,” sagot ni Aldo kay Vince nang magkumento ang huli na hindi pamilyar ang mukha nito sa kanya, “kakalipat lang namin dito sa Brgy. San Martin. Galing kami sa Ilocos ng pamilya ko.”

“Ganoon po ba,” tugon ni Vince at nilibang sa pakikipag-usap ang lalaki habang nginunguya nito ang sandwich, at panaka-nakang umiinom ng juice na dala ng katulong. Hindi niya alam subali’t tila ang gaan-gaan ng loob niya sa lalaki gayong noon pa lamang niya ito nakilala. Nakaramdam kaagad ng paghanga ang binatilyo sa matikas na masahista, at medyo naasiwa siya sa damdaming iyon nang mapagtanto niya ito sa kanyang sarili.

Makalipas ang ilan pang minuto’y ipinahatid na ni Vince si Aldo kay Isa matapos siyang magalang na magpaalam dito upang dumiretso sa kaniyang kuwarto.

Sa itaas, makailang ulit na kumatok si Isa sa pinto ng kuwarto bago may nagbukas ng pinto buhat sa loob.

“Pasok...”

Dinig nila sa labas magbuhat sa loob ng nakaawang nang pinto, bagaman hindi ito sumilip. Saka lamang iniwan ni Isa ang masahista na pumasok na nang tuluyan. Nakatapis na lang ng tuwalya ang ama ni Vince na kasalukuyang pinupunasan ng isa pang tuwalya ang basa-basa pang buhok. Bahagya itong natigilan nang makitang hindi nito kakilala ang lalaking nakauniporme.

“Wala ba si Ka Paeng?” bagaman nagtatanong ay wala naman sa tono nito ang pagkadisgusto sa kausap. Muli’y nakaramdam si Aldo na kailangan niyang ipaliwanag ang sitwasyon.

“E Sir, si Ka Paeng po ang ni-request ni Ma’am Karen,” paliwanag nito na ang tinutukoy ay ang asawa ng kausap na ina ni Vince, “ang kaso po, may emergency na pinuntahan si Ka Paeng kaya ako na po ang pinapunta rito. Ako nga po pala si Aldo...”

“Jack na lang... mukhang hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. Pakiramdam ko, tumatanda ako kapag tinatawag ako ng Sir,” sansala ng ama ni Vince, nakangiti ito, tanda na walang problema sa sitwasyon para rito.

“Ganun po ba? Mukha pa naman kayong bata, eh...” kumento nito habang naghihintay na makatapos sa ginagawa ang parokyano, kababakasan naman ng sinseridad ang mukha at mga kataga.

“Madalas akong nag-eehersisyo sa umaga... at saka madisiplina rin ako sa pagkain... iisa lang ang katawan natin kaya inaalagaan ko ang sarili ko...” ani Jack, patuloy sa pagpapatuyo ng buhok, nakaharap sa salamin ng tokador.

Napangiti si Aldo. Kinumpirma niya sa kanyang isipan ang rebelasyon ng lalaki. Hindi man ito matipuno na gaya ng kanyang katawang batak sa pagdi-gym, batid niyang hindi ito nagsisinungaling dahil maganda din naman ang hubog ng katawan nito.

Dahil sa panaka-nakang pagkukuwento ni Jack, gumaan ng bahagya ang atmospera sa pagitan nila kahit halatang wala siya kondisyon. Wala namang kaso kay Aldo, lalo’t sa una pa lang ay humingi na siya agad ng dispensa dahil doon, at iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ipinatawag ang masahista.

Nang makatapos magpunas si Jack at tinanggal na nito ang nakatapis na tuwalya, medyo nakadama ng pagkaasiwa si Aldo dahil tanging puting brief lamang ang suot ng parokyano. Pakiwari niya’y biglang nag-init ang magkabila niyang mga pisngi dahil medyo nahiya siya. Hindi niya maitatatwa, maganda nga ang hubog ng katawan ng parokyano.

Gayunpaman, hindi niya masyadong binigyang pansin ang naramdamang pagkapahiya at pakaswal na lamang niyang pinanood ang customer habang naglilipat ng unan. Pabaliktad nitong ipinuwesto ang sarili sa kama, ang ulo nito’y nakaposisyon sa dapat sana’y posisyon ng kanyang paanan. Dumapa na ito at nagsabing, “ready na ako...” tanda na magsisimula na ang sesyon.

“Soft po ba, medium, o hard?” tanong ni Aldo, kaswal lamang.

“Medium... huwag masyadong mabigat, baka mabigla ang katawan ko,” tila tinatamad na tugon ni Jack.

“Oil po ba, lotion, o powder?” muling tanong ni Aldo.

“Hmm... oil sana, kaso, baka magmantsa sa kubrekama at mangamoy langis ng niyog tayo rito...” kumento ni Jack.

“Ay, hindi po Sir... iyon pong lavender na oil ang gagamitin ko para di masangsang sa ilong. Aroma-therapy po ito...” pahayag ni Aldo.

Hindi na pinansin ni Jack ang pagse-sir sa kanya ng masahista. Sa isip-isip niya, talaga lang sigurong magalang ito. Kunsabagay, bulong niya sa sarili, marahil ay inilalagay lang nito ang sarili sa tamang kalagyan sa kanilang sitwasyon, kaya ipinasya niyang mas makabubuting hayaan na lang niya ito kung saan ito magiging komportable.

“Well, very good... si Ka Paeng kasi, langis ng niyog ang dala eh. Kaya lotion ang pinapagamit ko palagi...”

Napangiti si Aldo bagaman alam niyang hindi ito nakikita ng parokyano. Nakakatuwa kasi ang mga naging kumento nito sa gamit ng kasamahan sa trabaho.

“Magkakaiba po kami ng gamit, Sir. Dati po, coconut oil din po ang gamit ko, pero may mga nagrequest po sa aking mga customer na gumamit ng ibang klase ng oil. Hindi po daw nila gusto ang amoy ng langis ng niyog. May nag-suggest lang po sa akin na itong brand na ito ang gamitin ko dahil hindi nakaka-dry ng balat,” paliwanag ni Aldo.

“Hindi ba mas mahal iyan?” tanong ni Jack.

“Medyo po. Pero siyempre, mas prioridad ko iyong masiyahan ang mga customer...” matipid nitong paliwanag.

Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Aldo, “Ay oo nga po pala, Sir, okay lang po ba na magsa-sando na lang po ako? Medyo mainit po kasi sa katawan itong uniporme namin eh,” paghingi nito ng pahintulot.

“Sure... si Ka Paeng din, madalas, nagsasando lang kapag minamasahe ako... mainit nga raw at may kakapalan ang uniporme niyo. Di bale, pareho naman tayong lalaki. Ala naman sigurong problema. Kumuha ka na lang ng hanger sa loob ng aparador, ha?” pagbibigay ni Jack ng permiso at instruksiyon.

Matapos makakuha ng hanger ay hinubad na nga ni Aldo ang pang-itaas na damit at isinabit sa backrest ng isang upuan. Itinira na lamang ang suot na puting tanktop, at ang de-garter na unipormeng pantalon na tila papadyamahin. Bago ito pumuwesto ay saglit na nilingon ni Jack ang masahista nguni’t tila ba nakabisa agad nito ang magandang hubog ng pangangatawan nito. Lumitaw ang magandang hubog ng mamasel nitong katawan sa suot nitong humahapit ng husto sa katawang maskulado. Barakong-barako ang mga kurbada ng katawan nito na halos kabaligtaran sa mukha nitong napakaamo. Tila napapahiyang binawi ng parokyano ang tingin bago nito napansin ang pagkamangha sa kanyang mukha.

Ilang saglit ang lumipas, naramdaman ni Jack ang pag-ugoy ng kama tanda na pumatong na sa katawan ng masahista. Umupo ito sa bandang pigi ng nakadapang lalaki bago nito ginagap na magkabilang kamay nito. “Sige Sir. Start po muna tayo sa stretching... relax lang po... sabihin niyo po pag hindi kayo komportable...”

Nang hilahin ng masahista ang mga kamay ni Jack, hindi sinasadya ng huli na maramdaman sa pagitan ng kanyang puwitan ang bahagyang pagdaiti ng pundilyo ni Aldo. Napadilat siya dahil sa bahagyang pagkagulat. Malambot ang salat subali’t palibhasa’y kapwa lalaki ay nakadama si Jack ng bahagyang pagkaasiwa. Napatingala siya at nahagip ng kanyang paningin ang repleksyon ng masahista sa salamin ng tokador na nakadikit sa dingding may ilang metro buhat sa paanan ng kama.

Sa tingin naman niya’y nakapokus ang masahista sa ginagawa kaya isinaisang-tabi na lamang ni Jack ang pagkagulat at naramdamang malisya. Hinayaan niyang marahang hatakin ni Aldo ang kanyang katawan, bagaman naaasiwa pa rin siya sa panaka-nakang pagdunggol ng pundilyo nito sa bandang ilalim ng kanyang puwitan. Naninibago si Jack dahil iba ang prosesong sinusundan ni Aldo sa pagmamasahe. Gayunpaman, sa bawat siguradong haltak ng masahista ay nakakaramdam siya ng paglagutok ng kanyang mga kasu-kasuan, at sa proseso ay nakakaramdam siya ng kakaibang ginhawa - kaya sa ginhawa na lamang niya itinutok ang konsentrasyon.

Matapos ang unang bahagi ng proseso, muli na namang nagulat si Jack nang ibuka ni Aldo ang magkabila niyang hita. Pagkuwa’y pumuwesto ito sa pagitan ng mga iyon. Isinuksok ng masahista ang mga daliri sa magkabilang hita ng nakadapang lalaki, hinatak ito paitaas, at iniusod ang sariling mga paa na nakapaluhod buhat sa posisyon nito pasulong. Dahilan doo’y tila naka-suspend ang ibabang bahagi ng katawan ni Jack sa ere, isang bagay na noon lamang ginawa sa kanya ng isang masahista. Nang bumitiw ang masahista sa kanyang mga hita upang mailapag ang kanyang katawan, pumaibabaw ang magkabila niyang hita sa ibabaw din ng nakapaluhod nitong mga hita.

Hindi ganoon kakomportable ang posisyon na iyon para sa kanya dahil pakiramdam niya’y masyado siyang bulnerable. Subali’t nang huminga siya ng malalim ay unti-unti siyang nakakaramdam ng ginhawa sa kanyang gulugod. Maya-maya pa’y tuluyan na siyang narelax.

Nagsimulang humagod ang mga palad ni Aldo sa kanyang katawan... sa likod... sa bandang puwitan... sa magkabilang baywang... sa gilid ng pusod... at sa proseso, hindi maiwasan ni Jack ang makadama ng kiliti dulot ng pagsagi ng harapan ni Aldo sa sugpungan ng kanyang mga hita - sa ilalim lang mismo ng kanyang bayag - kapag yumuyuko na ito at tila inaabot nito ang kanyang tiyan... lalo na kapag ang hagod ng mga palad nito ay umaabot na sa kanyang puson, gayundin kapag aabutin ng haplos nito ang kanyang magkabilang dibdib... doon na halos dumidikdik sa hiwa ng kanyang puwit ang pundilyo ni Aldo, at ang magkabila nitong mga dibdib na kapwa sintigas ng bato ay sumasadsad pa sa kanyang likuran.

May parte ng isipan niya ang na-we-weirdohan sa sitwasyon, lalo na’t kakaiba ang sensasyong dulot ng mga haplos ng masahista. Ibang-iba ang diin... ibang-iba ang hagod... nakakakiliti... nakaka...

Naramdaman ni Jack ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang pagkalalaki. Hindi niya maitatwa sa kanyang sarili ang kiliting dulot ng mga himas at haplos ng kaedarang masahista ay may pagka-erotika. Bahagya pa siyang napapaungol sa nararamdamang ibayong kiliti at sarap, bagay na hindi niya nararamdaman noon kapag si Ka Paeng ang nagmamasahe sa kanya.

Nang humagod ang kamay ni Aldo sa tagiliran ng magkabila niyang hita, napasinghap na si Jack. At nang umangat ang mga daliri nito at humagod sa loob ng sugpungan ng kanyang mga hita, napigil na ng tuluyan ang paghinga ni Jack. Damang-dama niya ang pagwawala ng kaniyang pagkalalaki.

“Sir... relax lang po sir...” bulong ni Aldo nang maramdaman nito ang paninigas ng katawan ni Jack, “hinga po ng malalim... relax lang po ang mind natin...”

“Paano marerelax ang utak ko e nakakakiliti ang himas mo?” tanggi niya sa sarili. Gayunpaman huminga na lang ng malalim si Jack, bagama’t pakiramdam niya’y namomolestiya siya sa di niya malamang dahilan. Pero hindi niya alam kung may dapat ba siyang ireklamo. Alin? Ang sarap na nararamdaman niya? Ang kiliti? Ang nararamdaman niyang libog sa bawat hagod ng masahista? Sa isiping iyon ay naunahan na siya ng hiya kaya wala siyang magawa kungdi ang sumunod sa bulong ni Aldo... ang magrelax, magtimpi... at libangin ang isip sa ibang uri ng mga isipin - basketball... office works... deadlines... - bulong nito sa sarili.

Nagawa niyang magtimpi hanggang sa muling ilatag ng masahista ang katawan palapat sa kanyang pagkakadapa sa kama. Magkagayunman, may isang parte ng katawan niya ang tila nagnanais na ulitin ng masahista ang ganoong proseso... isang bagay na tila nais niyang isabibig, nguni’t napipigilan ng hiya.

Pumuwesto nang muli sa dating posisyon si Aldo matapos muling pagdikitin ang magkabilang paa ng minamasahe. Nagpadaloy ito ng oil sa palad, at sa proseso ay pinatuluan nito ang kalaparan ng likuran ni Jack. Pagkuway ay hinagod na nito ang kabuuan ng likuran ng parokyano.

Kinapa ni Aldo ang ilang mga lamig sa likod ng minamasahe, gayundin ang mga lamang sa tingin niya’y nagdudulot ng pamamata o pagkangawit kay Jack kaya iyon ang pinagtuunan ng pansin... hagod... haplos... diin.

Humupa naman ang nadaramang pag-iinit ni Jack dahil nakaramdam na siya ng purong ginhawa sa mga hagod ng masahista... dahil dito’y hindi na niya napigilan ang makatulog. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng ilang mga minuto o kung gaano katagal na siyang naidlip.

Naalimpungatan na lamang siya nang maramdaman niyang tila nakadagan na ang buong katawan ng masahista sa likod. Saka lamang niya naramdaman na ginagamit na nito ang magkabilang gilid ng braso upang hagurin ang kabuuan ng kaniyang likod at tagiliran. Parang nararamdaman niya sa buong likuran niya ang mainit nitong hininga kasabay ng mga hagod na tila nagpapadaloy ng kaniyang libido sa buo niyang katawan.

Sa kung anong dahilan, ang panaka-nakang pagdaiti ng pundilyo ng masahista sa hiwa ng kanyang puwitan ay tila isang nakakikiliting sensasyon. Habang lumalalim ang hagod ni Aldo, papariin naman ng papariin ang paggayod ng may kalakihang bukol nito sa puwitan ng parokyano.

Hindi napigilan ni Jack ang mapaungol. Muli niyang naramdaman ang pagkabuhay ng hayop sa pagitan ng kaniyang mga hita. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, nakokondisyon ang kaniyang kaisipan sa kalibugang tila noon lamang niya naramdaman sa tanang buhay niya.

Muli niyang tinangkang silipin ang repleksyon nila sa salamin subali’t nabigo siyang makita ang kanilang hitsura. Napapikit na lang si Jack at tila ba tuksong namuo sa isipan niya ang pagkakakubabaw ng masahista sa likuran niya - ang hitsura nila’y tila ba isang imahen ng dalawang lalaking nagpapasasa sa laman. Ang masahista na bahagya pang napapahingal sa kanyang paghagod ay wari pa’y isang hinete na iginagayod ang sarili sa kabayong kanyang sinasakyan.

Unti-unting nag-init ang kanyang katawan... sa bawa’t papatulak na hagod ng mga bisig ni Aldo, tila tumitindi ng tumitindi ang umaakyat na libido sa kanyang utak... at ang pagkayod ng pagkalalaki ni Aldo sa kaniyang puwitan ay papariin ng papariin. Sumukdol ang katigasan ng pagkalalaki ni Jack sa proseso... sa hindi niya malamang nakalilibog na dahilan!

Wala sa sariling napakanyod na si Jack. Sa una’y pasimple lamang... nguni’t kalauna’y halos ipinagkikiskisan na niya ang naninigas na burat sa kutson at halos kinakantot na nito ang kalambutan ng kama. Sarap na sarap siya sa nararamdamang sensasyon at tila ba nawala siya pasumandali sa kanyang sariling huwisyo. Ilang hagod pa at nagpakawala na ng bahagyang ungol ang parokyano.

Biglang natigil ang mga hagod... sabay nagwika ang masahista ng, “Sir, harap na po kayo...”

Tila pinoproseso pa ng utak ni Jack kung tama ba ang kanyang narinig. Hindi niya alam kung paano siyang haharap na bakat na bakat ang katigasan ng kanyang pagkalalaki sa kanyang brief.

“T-Tapos na ba?” ang napakawala niyang tanong, saka niya inilingon ang ulo upang makita ang masahista.

“Ay, hindi pa po, sir... napasadahan ko na po ang lower limbs pero kailangan pong kumpletuhin pa ang proseso dito... at saka di pa po ako tapos sa torso at sa ulo... pero ang mga kamay at likod niyo, ok na,” magalang na sagot ni Aldo.

“Ah g-ganoon b-ba... h-hindi ko na n-namalayan... n-nakatulog yata ako s-sa s-sobrang s-sarap... I m-mean... g-ginhawa...” medyo natitigilan pa rin niyang kumento, at tila napapahiyang pumikit nang ma-realize ang lumabas na mga kataga sa kanyang bibig.

“Salamat naman po, sir, na-appreciate niyo po ang masahe ko...” mapagpakumbabang sagot ni Aldo, saka ito ngumiti na tila nagpaangat ng kanyang kaguwapuhan nang mga sandaling iyon.

“T-teka... ahmm... o-ok lang p-punta muna ako sa banyo? Medyo n-naiihi lang a-ako...” pagkaraka’y biglang sambit ni Jack... isang pamamaraan upang magkaroon siya ng dahilan makapunta ng banyo... dahil nais niyang makaiwas sa kahihiyan. Kapag hindi siya nakahanap ng magandang dahilan - sigurado siyang malalagay siya sa alanganin kapag nakita ng masahista ang naninigas niyang burat na bakat na bakat na sa suot niyang maimpis na briefs.

Nakadapa niyang inabot ang tuwalya at saka tumayo itong patalikod sa masahista. Nagmamadaling pumasok sa washroom at humihingal na napapikit upang piliting papaghupain ang libog at ang paninigas ng kanyang tagdan.

Ilang saglit pa’y itinapat niya ang pagkalalaki sa toilet bowl, pinilit magpakawala ng ihi subali’t bigo dahil sa pagkakatingaro ng titi nito na nakaturo pa sa kisame. Hinubad na niya ng tuluyan ang brief, umupo sa bowl, kinuha ang bidet pagkaraka, itinapat ang nozzle sa kanyang burat at nagpasirit ng malamig na tubig. Muli niyang pinilit ang sarili na isipin ang office works, pero pilit na pumapasok sa eksena sa kanyang gunita ang guwapong ngiti ni Aldo at ang init at ligayang hatid ng mga hagod nito.

Natagalan din si Jack bago napahupa ang damdamin. Ilang saglit pa’y nakaihi na rin siya at tuluyan ng lumambot ang kanyang pagkalalaki. Saka pa lamang nakapagdesisyong lumabas ng banyo ang parokyano. Medyo nabigla si Jack nang pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nabungaran niyang naghihintay si Aldo.

“Sir, makikibanyo na rin po ako kung puwede...?” pakiusap nito.

“S-Sige...” sagot ni Jack na tila nagdadalawang-isip pa.

“Thank you po...” anito sabay pasok sa banyo.

Lumabas na si Jack at siya na mismo ang nagsara ng pinto upang hayaang masarili ng masahista ang banyo.

Ilang minuto rin ang lumipas. Pakiramdam ni Jack ay tila napakatagal ng masahista sa loob ng banyo. Hindi siya makali. Hindi niya alam kung hihiga ba siya, uupo, o maglalakad-lakad. Nasa sa isip ang sitwasyon.

Ilang saglit pa bago nakarinig ng may kalakasang “Agh...” si Jack na siyang ikinabigla niya at dali-daling tinungo ang banyo. Naratnan niya si Aldo sa tapat ng shower na tila napapahiyang ngumiti. Basa ang bandang harap ng suot nitong tanktop at unipormeng pantalon. Napansin ni Jack na nakatupi ang laylayan ng pantalon nito hanggang tuhod.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Jack...

“Sir, s-sorry po, sir... H-Hindi ko po alam... M-Maghuhugas po sana ako ng p-paa, medyo naglalangis po dahil sa oil, eh. Ang kaso, iba po ang nahagilap kong pihitan. Akala ko po kasi, ito ang sa gripo... pero ang b-bumuga pong tubig ay sa dutsa... buti nga po at napatay ko agad.”

Napamaang si Jack nang hubarin ni Aldo ang suot nitong tanktop. Maganda ang detalye ng mga kurbada at tono ng mga muscles nito sa katawan. Halatang batak na batak sa ehersisyo. Bagaman kayumanggi ay maganda tingnan ang pinakatampok ng mga utong nitong nakalapat sa malabatong mga dibdib. Ang mga pande-pandesal sa tiyan nito’y sadyang mainam tingnan. Barakong barako talaga!

Tila napahiya si Jack nang mapansin ang sariling naeengkanto sa kabruskuhan ni Aldo.

“S-Saglit lang... a-ahm... kukuha ako ng bihisan mo...” wala sa sariling bigkas ni Jack.

Tinungo ni Jack ang drawer at kumuha ng isang hapiting sando at isang boxer shorts. Kumuha rin siya ng dalawang hanger sa closet.

Dinatnan niya na pinipiga ni Aldo ang tanktop. Makikita ang pagkapahiya nito sa naganap.

“Sorry po sir... n-naabala pa kayo sa katangahan ko...” anito na humihingi pa rin ng paumanhin.

“Huwag mo nang alalahanin... sige, eto na lang muna ang isuot mo. Iyong mga nabasa mong damit, i-hanger mo na lang muna diyan... gamitin mo na lang iyang isang nakatuping tuwalya sa rack para tuyuin ang sarili mo,” ani Jack, saka tila umiiwas na dumiretso sa kama matapos abutin ng masahista ang mga isusuot at ang dalawang hanger.

Tila alumpihit si Aldo nang lumabas ng banyo at di malaman ang sasabihin, bahagyang naasiwa lalo’t nakitang nakaupo sa gilid ng kama patalikod sa banyo si Jack.

Nang makalapit sa may-asawang lalaki ay nagwika ang masahista, “Sir, k-kung ready na p-po k-kayo, pwede na po siguro na s-start na tayo.”

Lumingon si Jack at nakitang nakayuko si Aldo. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Bagay na bagay rito ang tanktop at boxer shorts na ipinahiram niya rito. Nadama niya ang pagkaasiwa nito kaya niya ito tinanong, “Ok ka na ba?”

“Yes, sir... s-start na po tayo...” anito, tila putol... tila pilit ang pagkakabigkas.

Hindi na kumibo si Jack. Pumuwesto na siya pahiga, pero ngayon, ang ulo niya’y ipinosisyon niya sa bandang headboard. Pumosisyon sa kanang paa niya si Aldo, hinawakan ang tuhod at hinila pataas, dahilan upang tumiklop ito... pagkuwa’y ay inipit nito ang pinakabinti niya sa magkabila nitong mga hita at ang pinakadulo ng daliri ng paa niya’y halos nasa pagsusugpong na ng mga hita ng masahista.

May kakaibang kiliting naramdaman si Jack nang magdikit ang kapwa nila mainit na balat gayong malamig ng bahagya ang balat ni Aldo dahil hindi pa gaanong natutuyo buhat sa pagkabasa. Ang mga balahibo ng masahista ay tila ba kumikiliti sa kanya. Hindi malaman ni Jack kung paanong bubulabugin ang papataas na naman niyang libido.

Nagpatulo muli ng oil ang masahista buhat sa bote at ipinahid sa kabuuan ng kanang paa ni Jack. Pagkuwa’y ay nagsimula muling humagod ang mga kamay nito sa kahabaan ng mabalbunin niyang mga binti at hita.

Habang tumataas ang hagod ni Aldo, nakikiliti naman si Jack... tila mapupugto ang hininga niya nang nasa kalagitnaan na ng hita niya ang gumagayod na mga palad ng masahista.

“Shit... ibang klase talaga ang mga hagod nitong taong ito... nakakakiliti... aaahhh... heto na... tumataas na... papaakyat na ng papaakyat sa hita ko... sige... itaas mo pa... aahhh...” ang bulong ng isip ni Jack na hindi niya magawang isabibig.

Humagod ang kamay ni Aldo... pasulong sa dulo ng kanyang hita. Nadikit ang dulo ng mga daliri nito sa kanyang singit na nagpapitlag sa kaniya at nagpasinghap. Saglit lang iyon, tila ba hindi sinasadya.

Umulit ito ng proseso... marahan... senswal.

Napapaangat ang puwit ni Jack sa tindi ng sensasyon. Napapatingala siya sa ibayong sarap. Isang may kalakasang “Oooh...” ang kumawala sa bibig niya nang “aksidenteng” muling kumalabit sa singit niya ang dulo ng mga daliri ni Aldo.

Humagod sa ilalim ng mga hita ni Jack ang palad ng masahista at umulit muli sa proseso. Sa tuwinang “aksidenteng” nakakalabit ng mga daliri ni Aldo ang singit niya’y napapaangat ang puwit ni Jack... napapasinghap... napapatingala at halos tumirik ang mga mata sa matinding sensasyon.

Naramdaman muli ni Jack ang pagpintig ng naninigas niyang pagkalalaki. Prominente na ngayong nakabakat sa kanyang brief ang mahaba at tigas na tigas na niyang burat. Tila ba hindi na niya alintana ang kahihiyang idudulot ng bakat na bakat niyang harapan sa mga mata ng masahista. Pakiwari niya’y nawala siya sa huwisyo nang mga sumandaling iyon at tanging ang purong libog ang umalipin sa buo niyang pagkatao. Hindi niya mapigil ang luwalhating hatid ng kakaibang kiliti at tila nawala na ang lahat ng hiya sa buo niyang katawan.

Makailang ulit niyang naramdaman ang papataas na hagod ng mga kamay ng masahista... makailang ulit ding tumirik ang kanyang mga mata... at sa bawat kalabit ng dulo ng mga daliri ni Aldo sa kanyang singit ay napapabuntung-hinga ang parokyanong lalaki. Tila ba kabisado na ng masahista ang tamang ritmo, diin, galaw at hagod... at di na napigilan ni Jack ang panginginig ng buo niyang pagkatao.

Kagyat na tumigil si Aldo... napadilat ang mga mata ni Jack. Umayos ng posisyon ang masahista at inilapag ang kanan niyang paa.

“B-Bakit?” ang di na napigilang tanong ni Jack, bakas ang pagkabitin sa tinig nito.

“Kaliwa naman po, Sir...” ang matipid na sagot ni Aldo bago ito pumosisyon sa kaliwang paa nito upang ipitin na muli sa pagitan ng kanyang mga hita. Pakiramdam ni Jack ay napakainosente pa rin ng mga ngiti ng masahista sa kabila ng katotohanang halos mabaliw na siya sa libog at sarap dahil sa mga maiinit na haplos ng mga kamay nito.

Matapos pumatak ang langis sa mga palad ng masahista, muling humagod ang mga palad na naghahatid ng ibayong kiliti sa bawat himaymay ng pagkatao ni Jack. Tila nasagot ang isang inaasam na kahilingan - napaungol na naman si Jack kasabay ng kanyang pagpikit. Nanginig na muli ang kanyang katawan nang pamuli niyang tinanggap ang masarap na mga kalabit ng mga mapagpalang daliri sa kanyang singit sa dulo ng mahahabang hagod na tila ba naghahatid ng dugo patungo sa sentro ng kanyang kalibugan. Makailang ulit... tila ba walang katapusang sarap... sa bawat segundo ng pagdirikit... sa bawat sandali ng mga kalabit.

Bahagyang napainat ang kanang paa ni Jack sa tinatamong sarap. Dahilan sa proseso ay nadikit ang kanyang lulod sa isang matigas at mahabang bagay sa sentro ng pundilyo ng guwapong masahista. Sa kanyang pagkakatingala ay napadilat ang mga mata ni Jack. Alam niya kung ano ang matigas na bagay na iyon... subali’t ang tila gumising sa buo niyang diwa ay kung bakit matigas na ang salat nito nang mga sandaling yaon!

Nakamaang ang bibig niya nang iyinuko ang ulo upang matingnan ang masahista. Tila natitigilan ang hitsura ni Aldo - alumpihit na tila may kaba. Saka lang napansin ni Jack na napatitig ang mga mata nito sa kanyang mga mata... ilang segundo rin silang nagtititigan - kapwa walang sinasabi, kapwa nananantya.

Sa huling hagod ni Aldo, bahagya niyang pinagtagal ang pagkakadikit ng dulo ng kanyang hinlalato sa singit ni Jack. Nakamata pa rin ito sa parokyano na tila ba pinanonood nito ang reaction ni Jack habang halos mawala siya sa ulirat sa sobrang kiliti dahil sa masahe nito. Nang makita nito ang biglang pagbabago ng mukha ng parokyano na tila nadadala ito sa mapangiliti niyang mga daliri, bahagya itong lumiyad, upang lalong lumapat sa lulod ng parokyano ang matigas na nitong kaangkinan.

Bahagyang kumalabit ang daliring nakadikit sa singit ni Jack. Hindi niya napigilan ang mapapikit upang namnamin ang kiliting dulot niyaon.

“Ooohh...” ang kumawala sa bibig ng ma-appeal na parokyano. Damang dama niya ang pamumutok ng kanyang pundilyo at nagwawala na ng husto ang kanyang tigas na tigas na burat sa loob ng kanyang briefs.

Tumigil ang masahista sa ginagawa nito, pinakawalan ang nakaipit na paa ni Jack, inilatag ng matuwid palapat sa kama at kaswal itong nagsalita ng, “Sir, sa torso naman po.” Hindi na magawang sumagot ng parokyano. Init na init ang magkabilang pisngi nito, kasing-init na rin ng tila nilalagnat niyang katawan.

Pabisaklat na umupo ang masahista sa gitnang katawan ni Jack na sa kung anomang dahilan ay hindi na nagawang tutulan ng huli. Lapat na lapat ang pang-upo ng masahista sa dulo ng mga hita ni Jack. Damang-dama ng parokyano kung gaano katigas ang mga masel ng magkabilang pisngi ng puwitan ng bruskong masahista.

Kumilos ang magkabilang kamay ni Aldo upang bahagyang ibaba ang garter ng suot na brief ni Jack. “Ibaba ko lang p-po ito Sir para m-magalaw... m-magalaw ko na din po... iyong a-ano p-po ninyo... ahm... p-pelvic area...” anito, mababa, tila may pagkapahiya.

Noon lang tila naalarma sa posisyon nila si Jack lalo’t namumukol na ang matigas niyang kaangkinan sa suot niyang briefs. Tila di man lamang alintana ng masahista ang kalagayan ni Jack kahit pa sa proseso ay sumilip na ang ulo ng titi niya sa garter ng kanyang briefs.

Nagpatulo sa isa pang pagkakataon si Aldo ng langis sa palad at ipinahid ito sa tiyan ni Jack. Muli’y humagod ang kaliwang palad nito, paikot sa sikmura... bababa clockwise sa kanyang tagiliran, baywang at pelvic region... iikot sa kanyang puson. Susundan ng kanan pa-counter-clockwise. Dahil sa ganitong proseso, ang dulo ng titi ni Jack na nakasungaw sa garter ng briefs niya ay dumudunggol na salit-salit sa magkabilang pulso ng mga kamay ni Aldo.

Kanan... kaliwa... sa tuwing dumudunggol ang mga pulso ni Aldo sa ulo ng titi niya’y naninirik ang kanyang mga mata at hindi niya maiwasang umungol. Tila may nagtutulak sa kanyang mga kamay upang dumikit sa magkabilang tuhod ng masahista. Balat sa balat... una’y isa lamang daliri.

Humimas paakyat sa kanyang dibdib ang mga kamay ni Aldo, dahilan upang halos kumubabaw na ito sa kanya. Kulang na lang sa isang ruler ang layo ng mukha nito sa kanyang mukha. Dahil rito, nagpingkian ang kapwa nila naninigas na laman sansaglit bago muli nitong hahagurin pababa ang katawan ng parokyano.

Ilang beses... pabagal ng pabagal... pati ang pagpipingkian ng kanilang kapwa nagtitigasang mga tagdan ay papatagal ng papatagal. Hanggang sa huli’y halos tumigil ng ilang segundo si Aldo sa kanyang ibabaw at saka nito minasahe ang kanyang balikat sa ganoong posisyon. Hindi niya alam pero dama niya na bahagya nang kumakanyod-kanyod si Aldo.

Nakapikit pa rin si Jack... walang pagtutol niyang tinanggap ang ginagawa sa kanya ng masahista. Umangat na ang kanyang kamay upang hawakan ang magkabilang beywang ni Aldo at ikinanyod na rin niya ang kanyang sariling katawan kasabay ng ritmo ng paggayod ng masahista.

Nguni’t wala sa hinagap niya na bigla siyang makakaramdam ng mamasa-masang bagay na dirikit sa exposed niyang utong na halos ikahiyaw na niya sa sobrang gulat at sarap. Sa pagdilat ni Jack ay nakumpirma niya ang nangyayari - sinusupsop na ng masahista ang kaliwa niyang utong! Sa halip na itulak ay nasabunutan niya ng marahas ang buhok ni Aldo at inakap ito upang lalo pang humigpit ang pagkakasupsop ng bibig nito sa utong niya.

“Sh-Shit!!! T-Tang Ina... S-Sarraaaappp!!!” naibulalas na ng malaya ni Jack.

Nakarinig si Jack ng tila tunog ng nabanat na garter. Napadilat siya at napamulagat nang maramdaman ang ginagawa ng barakong masahista... hinahaklit nito pababa ang suot nitong boxer shorts, kasama ang suot nitong brief. Naghuhubo sa harap niya ang masahista at tila nawalan siya ng kapangyarihan na tumutol sa ginagawa nito!

Pinag-igi pa ng maigi ni Aldo ang pagsupsop sa utong ni Jack. Marahang kinagat-kagat at saka pamuling hihimurin ang paligid nito. Lalo namang dumiin ang pagkakayakap ni Jack sa ulo ni Aldo dahilan upang papagbutihin nito ang ginagawang pagkain sa kaliwa niyang dibdib.

Nang mahubo na ng tuluyan ni Aldo ang suot na pang-ibaba ay muli siyang kumubabaw kay Jack at kumanyod-kanyod. Awtomatiko namang naghiwalay ang mga paa ni Jack at inayakap ang dalawang paa sa magkabilang baywang ni Aldo bago gumanti ng kanyod. Ang manipis na tela ng brief ni Jack na lamang ang pumapagitan sa pagpipingkian ng kapwa nila naninigas na mga laman.

Damang dama na ni Jack ang ulo ng titi ni Aldo na tumutusok sa kanyang puson. Iniangat ng masahista ang mukha upang titigan ang mga mata gayundin ang pagkakangiwi ng guwapong mukha ng lalaking parokyano. Sa isang iglap ay nahubad ng masahista ang suot nitong sando at pagkuwa’y ay sinisid nito ng mamasa-masang mga halik ang leeg, ang gilid ng kaliwang panga, gayundin ang pinakatampok ng kaliwang taynga ng minamasaheng lalaki.

Naramdaman ni Jack ang magkabilang kamay ni Aldo na gumapang upang gagapin ang garter ng suot niyang brief bago hinaklit ito pababa. Nguni’t imbis na tanggihan ang lalaki’y tila may puwersang nagtulak pa kay Jack na bigyang-daan upang tuluyang mahubad ng masahista ang natatangi niyang saplot. Sa proseso ay bumaba ang mga labi ni Aldo at pinagsalit-salit supsupin ang magkabilang utong ni Jack na halos ikabaliw na ng tuluyan ng parokyano.

Marahang gumala ang mga labi ni Aldo pababa sa katawan ni Jack... pababa sa may tadyang... sa tiyan... tumigil ng bahagya sa bandang pusod at nilaro ng dila ang paligid nito... habang ang mga kamay ay patuloy na hinahaplos ang magkabilang tagiliran, gayundin ang magkabilang dibdib ng umuungol na lalaki... tanda na sarap na sarap ito sa nalalasap na ginhawa at kiliti magbuhat sa kanyang pagpapala.

Napasabunot muli si Jack sa ulo ni Aldo at saka ito itinulak pababa... isang hudyat para sa masahista na handa na ito sa susunod niyang gagawin. Hinimod ni Aldo pababa pa ang katawan ni Jack - sa puson… hanggang dumunggul-dunggol na sa baba niya ang korteng helmet na ulo ng titi ng parokyano. Napabangon na si Jack at atat na itinulak ang ulo ni Aldo.

“Tang-inaaaa… isubo mo naaa… kanina m-mo pa ako nililibog… i-ibang klase kaaa… ang saraaapppp sarap mong trumabahooohhh!!!”

Tila iyon lamang ang hinihintay ni Aldo. Walang anu-ano’y humakab sa kahabaan ng titi ni Jack ang mamasa-masa at mainit-init nitong bibig at saka humitit ng humitit na parang tumitira ng tabako. Dahil sa sagitsit ng laway ni Aldo habang sinusupsop ang kanyang pagkalalaki, lalong nalibugan si Jack kaya marahas niyang ipinagsakyuran ang katawan upang ibaon ng husto ang ulo ng kanyang burat sa lalamunan ng masahista.

Walang imik na tinanggap ni Aldo ang mararahas na bayo ng katawan ni Jack. Kahit na pa halos masuka siya sa biglaang pagbara ng ulo ng burat ng parokyano sa kanyang gag reflex, tila propesyonal nitong inginanga pa ng husto ang bibig upang malayang lumagare ang pagkalalaki ng guwapong parokyano. Humahampas na sa baba niya ang bayag ni Jack nguni’t imbes na magreklamo ay pinaglawa pa nito sa laway ang burat na iyon na kumakantot sa kanyang bibig... pikit-matang ini-enjoy ang bawat pagsagad sa kanyang lalamunan. Sinabunutan na ni Jack ang nagulo nang buhok ni Aldo at itinodo na ang bawat sakyod.

“Tang inaaaa…. Ang saraaap moooohhh… aaaahhhh… aaahhhhh… malapit na akooo…” tila nababaliw na impit na palahaw ni Jack, nangangatal sa sobrang libog.

Dumilat si Aldo upang tingnan ang nagbabaga sa pagnanasang mga mata ni Jack. Bagaman tila nabibilaukan ito ay nagpakita pa siya ng ngiti.

“Hayooopp… gustung-gusto mo ba ang titi kooo? Masarap baaaah??? Haaah? Masaraap???”

Isang mahabang higop-supsop ang naging sagot ni Aldo sa mga tanong ni Jack.

“Aaahhhhh… eto na akooo… Aldoooo… Aldoooooo… lalabasan na akooo… aaaaaaaaaaah!”

Ang unang sambulat ng tamod na lumabas sa titi ni Jack ay tumama sa likod ng lalamunan ni Aldo. Bahagya namang iniluwa ng huli ang katawan ng maugat na burat, sapat lamang upang matira ang malaking ulo sa loob ng bibig nito. Dahil doon ay nalasahan pa ni Aldo ang ilan pang natitirang pulandit ng mainit na katas ng may-asawang parokyano… masagana… malapot… nguni’t tila pasok sa panlasa ng masahista. Imbes na idura ay inipon pa nito ang malapot at nagsasapot na puting likido na pumulandit mula sa titi ni Jack sa loob mismo ng bibig niya. Nang tumigil ang pagpintig ng titing nasa loob ng kanyang bibig ay saka lang nito tila gutom na gutom na nilunok ang naipong tamod – walang bahid ng pag-aalinlangan.  Hinang-hina at nanginginig ang bawat himaymay ng laman ni Jack nang bumagsak sa kama habang nagpupunas ng bibig ang hindi pa rin nilalabasang masahista – di malaman kung paano kakalmahin ang titing nakatingaro pa rin sa tigas at dumudura na ng paunang katas.

1 comment:

  1. Grabe ang ganda ng storya!! Hindi pa ako nakakabasa ng ganito na sobrang nakakalibog! Sana may kasunod n chapter na! :) saludo ako sayo boss writer!

    ReplyDelete