Saturday, January 12, 2013

Barako Series: CADENA DE AMOR, Ch. 01

PROVISO

Ang Cadena de Amor ay mga yugto sa buhay ng iba't ibang mga barako na pagtatagniin ng pagnanasa, pagpaparaya, at... pag-ibig. Nagsimula sa kuwento ng magkakaibigang sina Kanor, Dado, at Caloy, ito ay magsasanga at mamumulaklak ng samu't saring mga kuwento ng kalibugan sa buhay ng iba pang mga barako na may direkta o hindi-direktang kinalaman sa mga naunang mga tauhang nabanggit. Iikot ang kuwento, magkakaroon ng samu't saring rebelasyon, hanggang sa bandang huli'y muling magbabalik ang daloy ng kuwento sa mismong pinagmulan nito.

Ang kuwento pong ito ay pag-aari ni Ginoong A. Serrez. Ang mga ngalan ng mga tauhan, bagama't may kinalaman sa mga nakasalamuhang tao sa tunay na buhay ng may-akda, ay ginamit lamang para magkaroon ng kongkretong imahen at personalidad ang mga tauhan. Ito po ay isang fiction at ang mga sitwasyon at kaganapan sa pagitan ng mga tauhan ay walang kinalaman sa tunay na buhay ng mga taong nabanggit.

Unang Yugto
Milagro sa Gitna ng Gabi
by: Ginoong A. Serrez

Nag-iinuman ang magkukumpareng Caloy, Dado, at Kanor sa bahay ng huli. Palibhasa’y madaling-araw na, tulog na ang maybahay ni Kanor, gayundin ang dalawa niyang mga anak. Panay pa rin ang kuwentuhan, gayundin ang mga halakhakan ng mga ito, di alintana ang gabi.

Gaya ng dati, nakatulog na naman si Dado sa sofa habang patuloy pa rin sa pagkukuwentuhan sina Kanor at Caloy  Palibhasa’y kapitbahay ang nakatulog, hinayaan na lang ni Kanor si Dado, di pansin ang hitsura nito na nakasampay pa ang isang paa sa sandalan ng sofa at ang kaliwang binti’y nakalaylay na sa upuan, talampaka’y nakalaglag sa sahig dahil sa kalasingan.

Magkatapat ang magkumpare habang nag-uusap sa kanilang mga inuupuan - si Caloy ay nasa single couch na nakapuwesto sa bandang paanan ng nakahigang si Dado habang si Kanor naman ay nasa couch naman sa bandang ulunan nito.

Masaya ang daloy ng kanilang usapan... subali’t sa hindi malamang dahilan ni Kanor - tila isang halusinasyon lamang para sa kanya - bandang huli’y tila naoobserbahan niyang madalas napapadako ang mga mata ni Caloy sa pundilyo ng nakahigang kumpare, lalo na tuwing kukunin nito o ilalapag ang bote ng iniinom nitong serbesa. Wala siyang makitang magandang rason kaya hindi niya maisabibig ang napansin lalo’t hindi rin naman siya sigurado kung tama nga ang kanyang obserbasyon o bunga lamang ng pagkalasing; at ikalawa’y ayaw rin niyang mapahiya ang kaibigan.

“Pare, saglit lang namimigat ang panubigan ko,” walang anu-ano’y paalam ni Caloy.

“S-Sige,” tila alumpihit o nag-aalinlangang tugon ni Kanor nang tila nabigla siya sa biglang pamamaalam ng kaibigan.

Tumayo ang nagpaalam at tinungo ang palikuran. Sa tagal na nilang magkumpare, kabisado na ni Caloy ang pupuntahan sa bahay ni Kanor kaya hindi na kailangan pang igiya ng huli ang kaibigan.

Kibit-balikat, isinaisang-tabi ni Kanor ang napansin at patuloy itong uminom. Pamaya-maya’y tumingin sa wall clock - alas dos y kinse na pala! Sinamantala na lang ni Kanor ang pagkawala ni Caloy para magsimulang magligpit ng mga boteng pinag-inuman at noo’y wala nang laman. Dumako rin siya sa lugar na kinauupuan ni Caloy upang iligpit ang napaginuman nitong serbesa nang hindi sinasadyang umangat ang tingin niya sa nakahigang si Dado... diretso sa pundilyo nito.

Sa anggulo ng kaniyang tingin, nakita niyang nakasungaw sa may laylayan ng suot nitong may kaikliang maong na shorts ang mamula-mula nitong singit at nasisinagan ng ilaw ang kulay puti nitong underwear. Kung aaninaging mabuti’y may masisilayan ka pang ilang hibla ng bulbol na nakasungaw sa briefs nito.

Napailing na lang ng nakangiti si Kanor sa pagkakabuyangyang ni Dado. Gayunpaman, ipinasya niyang hayaan na lang ito ng tuluyan lalo’t tulog na rin naman ito’t halos wala nang kaalam-alam sa mundo.

Kapapasok pa lang sa kusina ni Kanor dala ang mga boteng walang laman nang lumabas sa banyo si Caloy na basa ang mukha at tila naghilamos.

“Tamang-tama,” ani Kanor, “namimigat na rin ang pantog ko...”

“Sige pare, hintayin na lang kita sa sala...” ika ni Caloy.

Inilapag muna ni Kanor ang mga dalang bote sa case na nasa ilalim ng mesa bago dumiretso sa panunubig. Paglabas ay nakitang may ilang pinggang di nahugasan kaya bago pa niya malimutang gawin ay hinugasan muna niya ang mga yaon.

Nguni’t pagbalik niya sa sala’y nakatulog na rin pala sa pagkakaupo si Caloy  Natawa pa si Kanor sa hitsura ng kumpareng inabutan ng antok na may hawak na boteng walang laman.

“Langya, tinulugan ako ng mga gago!” bulong ni Kanor, tatawa-tawa pa, “wala pala kayong mga binatbat! Mga antukin!”

Tiningnan niya ang kaunting bilang ng boteng di pa nabubuksan. Ipinasya niyang lagukin ang natitirang laman ng bote niya bago isa-isang dinampot ang mga di pa nabubuksang beer at dinala sa kusina. Inilagay ang mga bote sa loob ng fridge at iniwang bukas ang ilaw sa kusina, bago bumalik sa sala at pinatay ang ilaw doon. Iniwan din niyang bukas ang ilaw sa labasan para may kaunting ilaw na masisilayan sa loob gaya ang ilaw sa kusina.

Mag-aayos pa sana siya sa kusina nguni’t ipinasya muna niyang kumustahin ang kanyang mag-anak sa itaas. Tiningnan niya muna ang mga kuwarto ng kaniyang mga anak at nangiti siya nang makitang tahimik at himbing na himbing ang mga ito. Sumilip din siya sa silid nilang mag-asawa at nang marinig ang mahihinhing hilik ng kanyang asawa’y marahan siyang pumasok upang magbihis ng pantulog.

Makatapos magbihis ay umupo siya sa gilid ng kama at minasdan ang magandang mukha ng kanyang asawa. Napangiti si Kanor, pakiramdam niya’y ang suwerte-suwerte niya sa kanyang asawa. Marahan pa niyang hinaplos ang makinis nitong pisngi at marahang hinagkan sa noo. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang minamasdan ang mukha nito. Pagkuwa’y, maingat siyang tumayo at tahimik na muling lumabas ng kuwarto. Patingkayad siyang lumakad - kung baga maaari’y huwag siyang makalikha ng ingay na bubulabog sa himbing ng tulog ng kanyang pamilya.

Nasa ituktok na siya ng hagdan nang matigilan siya’t may naulinigan siyang bahagyang mga ungol... halinghing... impit ang mga ito, at tila ba ingat na ingat. Natigilan siya dahil ang iniisip niya’y isa ito sa mga anak niya’t baka nananaginip ng masama. Babalik sana siya sa kuwarto ng mga bata subali’t nakarinig na siya ng bahagyang mga bulong. Tinutukan niyang maigi ang pakikinig bago niya napagtanto kung saan nanggagaling ang mga bulong na iyon... sa ibaba... sa may sala!

“... Bilisan mo na, baka bumalik pa si Pareng Kanor... ayokong mabitin...”

Sa gitna ng tahimik na gabi, malinaw na narinig ni Kanor ang mga bulong na iyon. May kung ano’ng kabang naramdaman ang may-ari ng bahay. Ang unang naisip niya’y bulagain ang mga kaibigan niya nguni’t may kung ano’ng pumigil sa kanya upang gawin iyon. Manapa, marahan siyang bumaba sa unang baitang at dahan dahang nagmatyag... sumilip sa kanto ng dingding upang sapat lang na makita kung ano ang ginagawa ng dalawa sa ibaba.

Naririnig pa rin niya ang mga ungol...

“Sige pa... tang-inaaaaaaa....”

Napamulagat siya sa nasaksihan... mula sa kanyang kinalalagyan, kitang kita niya ang nakahigang si Dado, ang dalawang kamay ay nakasabunot sa ulo ni Caloy - na ngayo’y panay ang taas-baba. Buhat sa liwanag sa ilaw sa kusina, kitang kita ni Kanor ang pagkakanganga ng bibig ni Caloy - labas-masok dito ang nangingintab at mamasa-masang pagkalalaki ni Dado.

“Slurp... slurp... slurp...”

“Aaah... h-hayop ka T-Toolll... ang s-sarap mong tsumupa...”

“Slurp... slurp... slurp...”

“Sige paaa.... Tang-ina ka... C-Caaal... lllooooy.... Cal-looooyyy... ang galing moooo...”

“Slurp... slurp... slurp...”

“Isubo mo lahat... sipsipin mooo... Toolllll... aaaaaaah!!! Himurin mo... oooh... ganyan... ganyaaaannnn... aaaahhh... shhhiiit!!!”

“Slurp... slurp... slurp...”

“P-Pa... p-par-rreeeehh... ang sarap ng ginagawa mo... sige... hayop kaaa... pagpasasaan mo titi ko... aaahh.. unggh... aaah... saraaaaaap... tsupain mo pa... sipsipin mong maigi... ganyaaaan... aaaah... tang ina sa saraaaap... oooohhhh...”

Hindi malaman ni Kanor kung bakit imbes na magalit o mandiri siya sa nasaksihan ay tila nakaramdam pa siya ng inggit... at di man niya aminin sa sarili’y nagsimula nang mag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya sukat-akalain na magagawa ni Caloy ang gayon kay Dado, gayundin ang pagpapaubayang ginagawa ni Dado ngayon kay Caloy, subali’t heto’t napakaliwanag ng katotohanang kanyang nasasaksihan.

Hindi na niya matandaan kung kailan siya napaupo sa hagdan at kung kailan niya nahubo ang pantalong pantulog kasama ng kanyang briefs sa kanyang tuhod. Hindi na rin niya matandaan kung ilang minuto na niyang tangan sa kanyang palad ang kanyang pagkalalaki. Kasabay ng bawat galaw ng ulo ni Caloy sa pagtsupa nito sa nakahigang kumpare, marahas naman na sinasalsal ni Kanor ang kanyang nagtutumigas at naglalaway na pagkalalaki.

Patuloy pa rin ang kanyang mga naririnig na halinghing na nanggagaling kay Dado... mga ungol na tila ba lalong nagdadala ng ibayong libog sa kanyang sarili... ang guwapong mukha ng kumpareng kapitbahay... ang maamo nitong mukha na halos malukot - marahil sa ibayong kiliti na nararamdaman sa ginagawang pagpapaligaya sa kanya ni Caloy - ay tila ba isang nakakalibog na panoorin na parang maghahatid sa rurok ng kaligayahan sa gitna ng pagbabate ni Kanor.

“Slurp... slurp... slurp...”

“Malapit na ako, T-Tollll... malapit na akong labasaan... ang galing mong tsumupa paree... aaaaaahhhh... hayooooppp... tang-inaaaa ang saraaaaaappp... Pareee... C-Caaalllloooyyyyy... aahhh...”

“Slurp... slurp... slurp... slurp...”

“Aaaaaah... aaaaaaah.... Aaaaaaaaaaaaaaah... eto na akooo... lalabasan na akoooooooo...”

Kitang kita ni Kanor ang panginginig ni Dado... ang mga mata nito’y pikit na pikit habang pinagkakanyuran ang katawan sa mukha ni Caloy...

“T-Tooolll... P-Paaarreeee... Eto na akoooo... eto na akooo... P-Parreeeh... P-Par-reeeeehhh!!!!”

“Nilabasan na si Dado...” bulong ni Kanor sa kanyang isipan, “pero di pa rin iniluluwa ni Caloy ng titi niya... nilunok niya’ng tamod ni Dado... nilunok ni Caloy ang tamod ni Dado!”

Halos hindi makapaniwala si Kanor... nguni’t habang iyon ang nasa kanyang isipan, tila iyon pa ang nagbigay sa kanya ng ibayong libog upang sumambulat ang kanyang pagnanasa. Sumargo ang tamod niya sa baitang ng hagdan sa kanyang pagkakaluklok habang titig na titig sa ginagawa ng kanyang dalawang kumpare. Napapikit pa si Kanor habang kinaklaro sa kanyang imahinasyon ang pagsambulat ng tamod ni Dado sa loob ng bibig ni Caloy .. at ang huli’y tila gutom na gutom na nilunok ang lahat ng tamod na iyon na parang gatas na makatitighaw ng kanyang uhaw.

No comments:

Post a Comment