(Ang Pagpapatuloy ng Kuwentong: PAGKAMULAT)
by: Ginoong A. Serrez
Naging
kakaiba ang turingan namin ni Kuya Kasey sa isa’t isa sa dalawang huling araw
namin sa ospital. Lalo niyang ipinakita sa akin ang lubos na pagkagiliw na kung
papansinin ay talagang hindi na pangkaraniwan sa relasyon ng magkapatid. Pero
hindi na namin inisip iyon... hindi ko na inisip iyon. Dahil sa pakiwari ko,
naging mas masaya ang samahan naming dalawa nang mawala ang kung ano’ng isipin
o alinlangan sa pagitan namin.
Sa
pagdalaw sa akin ni Dr.
Ken kinalingguhan, halos hindi siya makatingin ng mata sa mata sa maski kanino
sa aming dalawa ni Kuya Kasey. Kahit na siguro ang kasama niyang nurse na si Rose ay nahalata ang
kakatwang pakikitungo sa amin ng doktor. Saglit lang siyang dumalaw para
ipaalam na tapos na ang observation sa
akin at maaari na raw akong makauwi sa bahay.
Ang
pagkakaalam ko noon, sina Tita Mariana at Uncle Frank lang ang susundo sa amin.
Wala noon si Kuya Kasey at nagpaalam upang manigarilyo sa ibaba nang dumating
ang buong pamilya – kasama sina Kuya Kyle, Kuya Keith... at ang lubos na
gumulat sa akin ay ang pagsama ni Kuya Kevin. Animo’y isang grand reunion naming pamilya at masaya
kaming nagkuwentuhan habang iniimpake ni Tinay ang mga gamit na dala namin sa
kuwarto.
Bumaba
saglit sina Tita Mariana para asikasuhin ang bill namin sa ospital, nakaakbay sa kanya si Uncle Frank. Natutuwa
talaga akong tingnan ang mag-asawa. Lagi silang ganito ka-sweet kahit nasaan sila. Nakangiti akong nakatanaw sa paglabas nila
nang tumabi sa akin sina Kuya Keith at Kuya Kyle. Nakaupo lamang sa isang stool sa harapan namin si Kuya Kevin na
nakamata lang sa kuwentuhan namin. Kahit na pakiramdam ko’y na-a-out-of-place siya, hindi siya umalis sa
kinauupuan niya at nilibang ang sarili sa pagbubuklat ng mga lumang magasin.
Ayaw ko namang batiin siya at baka mapahiya lang ako.
Hindi ko
maikakaila ang gulat at tuwang naramdaman ko sa aktuwasyon niyang iyon –
aktuwasyong noon ko lang nalamang kaya niyang gawin sa kabila ng pagiging
tahimik nito’t pagkabarumbado. Bagaman na-shock
ako, niluwangan ko ang tugon kong ngiti sa kanya at iniakap ko rin ang kanang
kamay ko sa kanyang likod, saka ako sumagot, "Okay na 'ko, Kuya Kev. Buti
naman, nakasama ka sa pagsundo. Salamat, naging mas masaya ako."
Tinitigan
ako nito ng mata sa mata. Hindi ko alam pero parang napapaso ako sa tingin na
iyon. Sa apat kong kuya, siya lang ang may ganoong klase ng tingin – iyong tila
nape-penetrate nito ang kaibuturan mo
at parang lahat na ng sikreto sa kalooban mo’y malalaman na niya. Una akong
nag-iwas ng tingin at medyo nakaramdam ng pagkapahiya sa di ko malamang
damdamin. Para pa ngang pakiwari ko’y alam na
niya ang lahat-lahat tungkol sa akin.
Nag-angat
ako ng tingin at nakita ko ang lubos na pagkagulat sa mga hitsura ng mga kuya
kong nakamata sa aming harapan. Marahil, pati sila’y nagulat sa pakikipag-usap
sa akin ni Kuya Kevin – dahil nga sa pagiging loner nito’t pagkamainitin ng ulo, hindi ko sila masisisi kung ang
hitsura nila ngayo’y takang-taka.
Ibinaling
kong muli ang tingin kay Kuya Kevin na nakatungo lang ngayon na wari’y malalim
ang iniisip. Pinilit kong magpakakaswal, ihinaplos ko sa likod niya ang kanang
kamay ko, saka ko siya tinanong, "Okay
ka lang, kuya?"
Pailalim
niya akong tiningnan, medyo mainit ang mga tingin na iyon, hindi ko alam kung
galit o kung ano man. Mahirap kasing intindihin ang mood ni Kuya Kevin. Pero nang malumanay itong sumagot sa akin ng,
"basta okay ka lang, okay lang din ako..." ngumiti ako
sa kanya at saka muling ihinagod ang kamay sa likod niya na hindi naman niya
tinutulan. Hinila pa niya ako palapit sa kaniya at ginulo ang buhok ko na lalo
ko pang ipinagtaka.
Hindi na
binati ng tatlo kong kuya ang kakaibang aktuwasyon at pakikitungo sa akin ni
Kuya Kevin. Nakihalo na lang sila sa usapan at bandang huli’y dinatnan kaming
nagkakakasiyahan nina Tita Mariana at Uncle Frank.
Sa likod
ng van, sa unang upuan ako pumuwesto sa
tabi ni Kuya Kasey. Habang daan, nakaramdam ako ng hilo kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat
niya. Iniakbay naman ni Kuya Kasey ang kanang kamay sa akin at hindi ko na
namalayang nakatulog na pala ako.
Paggising
ko’y nasa gate na ng bahay ang van. Medyo nagulat pa ako nang
mamamalayan kong nakaunan na pala ako sa kandungan ni Kuya Kasey. Pagbangon
ko’y nakita kong naghaharutan sina Kuya Kyle at Kuya Keith sa likuran namin,
habang si Kuya Kevin ay tahimik lang na nakatanaw sa labas at hinihintay na
pumarada ang sasakyan. Sina Tita Mariana at Uncle Frank ay nasa harap ng van at nagbubulungan ng kung ano.
Inihatid
lang ako ni Kuya Kasey hanggang kuwarto at pagkuwa’y ay nagpaalam na akong
magpapahinga muna. Madali rin akong nakatulog pagkatapos.
Hapon na
nang magising ako. Hindi na ako pinagising nina Tita Mariana para kumain dahil
siguro gustong makapagpahinga muna ako. Pakiramdam ko naman ay kaya ko na ang
sarili ko. Hindi lang siguro talaga ako sanay sa mga gamot na ipinainom at
ininiksiyon sa akin sa ospital kaya groggy
ang pakiramdam ko.
"K-Kanina
ka pa ba diyan?" tanong ko, at nang makalasa ako ng mapait sa bibig ko’y
napasimangot ako.
Nangiti
siya sa hitsura ko at hinampas pa ako ng unan bago nagsalita, "Kapapasok
ko pa lang. Naglalaro kami ng basketball
sa ibaba nina Kuya Kyle. Naalala ko lang kumustahin ka. Hindi tayo nagkita sa
ospital dahil laging tulog ka kapag dumarating kami nina mommy."
Saka ko
lang napansin ang pawisan nitong katawan. Nangingintab siya at ang suot na
sando ay basang-basa.
"Kuya,"
bati ko, "magpalit ka muna ng damit at baka ikaw naman ang maospital sa
gawa mo."
Tumawa
ito, "Okay lang, strong yata
ako..." anito saka nag-flex ng biceps.
"Yak,
kadiri ka!" sagot ko at nagbiro, "amoy alimuom ka na!"
"Hoy,"
muli'y sagot nito at itinaas ang kamay at itinuro ang kilikili, "kahit
amuyin mo ito, mabango pa rin iyan! At saka, bakit ba? Ikaw lang naman ang
nakakaamoy, eh."
Natawa
ako sa tinuran ni Kuya Keith. Pamaya-maya, nagdeklara akong gutom na. Niyakag
niya akong bumangon. Binuksan niya ang aparador at kumuha ng isang shirt sabay sabing, "Hiramin ko
muna ito, ha? Tinatamad akong pumunta sa kuwarto, eh."
Nag-"sige"
lang ako. Sanay na kaming maghiraman ng damit ni Kuya Keith. Palibhasa'y
magkasing-katawan kami at medyo mataas lang siya ng isang pulgada sa akin,
pagdating sa mga damit, naghihiraman kaming dalawa madalas.
Tumayo
na ako at dumiretso sa banyo upang magsepilyo. Naghilamos na rin ako at inayos
ko na ang sarili. Pagkuwa'y ay bumaba na kaming dalawa at nagpahanda siya kay
Tinay ng mamemeryenda.
Sa aking
pag-upo, sa ganitong mga impormal na mga pagkakataon, nakasanayan ko na ang
pagbaliktad ng upuan at pabukaka akong umuupo sabay patong ng dalawang siko sa
magkabilang dulo ng sandalan upang makapagrelaks. Ganito rin naman kasi umupo
ang kalalakihan sa amin kaya hindi ako sinasaway sa ganitong kagawian. Sa
katunayan, sa pagkakaupo ni Kuya Keith sa kabila ng mesa, ganoon din ang
kaniyang posisyon. Kapag kasama lang si Tita Mariana sa hapag, saka kami umuupo
ng maayos.
Pumasok
si Kuya Kyle at Kuya Kasey na parehong hubad-baro at kapwa pawisan. Nakangiting
bumati sa amin ang dalawa at kapwa humihingal pa. Ang kanilang mga tanktops ay nakasukbit sa kanilang mga
balikat. Sa unang tingin ko'y kaswal lang na gaya ng nakasanayan ko nang gawi nila.
Pero
kung bakit makatapos ang sangsaglit, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam
ng pagkaasiwa nang mahagip ng mga mata ko ang matitipuno nilang mga dibdib na
natutumpukan ng mga nakatingarong mga utong na kapwa pinkish. Napalunok pa ako at pakiwari ko'y mahihirinan ako ng
pumasada ang aking mga mata sa kanilang mga nililok sa tigas na abs... pababa sa mga pundilyong kapwa namumukol sa suot nilang jersey shorts. Ang malayang pag-alog ng mga laylayan ng kanilang shorts magbuhat sa pundilyo sa kanilang
mga landian ay kapansin-pansin. Mahahalata talagang malaki ang mga dinadala ng
mga ito.
Bigla
akong napapisig sa isipang iyon at mabilis pa sa kidlat akong nag-iwas ng
tingin at nagpakakaswal. Gayunpaman, pakiramdam ko'y biglang nagbaga ang dalawa
kong pisngi.
Sa muli
kong pag-angat ng aking tingin, mukha namang walang malay na nakikisubo na ng sandwich ang dalawa kong kapatid.
Nagbibiruan pa nga sila habang ako nama'y tila hindi makasakay at pangiti-ngiti
na lamang. Panaka-naka'y nagbibigay din ako ng mga inputs sa usapan at nagpapatay-malisya na lang ako.
Pinilit
kong huwag nang mapadako muli ang aking paningin sa pundilyo nila, subali't
aywan kung bakit tila nahihirapan ako. May mga pagkakataon pa na bigla na
lamang babagsak ang aking tingin sa direksiyon ng mga iyon. Kapag napapansin ko
ang ganito kong gawi ay kaswal lang akong maglilipat ng tingin sa ibang bagay –
sa wall clock, sa dekorasyon ng table mat, sa carvings sa gilid ng mesa, sa iba't ibang kulay na nalilikha ng
kinang ng chandelier, sa mga prutas
sa mesa – sa maski na ano'ng bagay na maaaring pumukaw ng aking atensiyon.
Nagtagumpay
naman ako at maya-maya na lamang ay tila bumalik sa pangkaraniwan ang aking
paningin – nagawa kong mabago ang kakaibang damdaming iyon at napahupa ko ang
tila papasiklab na init sa aking dibdib. Tagumpay ako... sa ngayon!
Mag-a-alas
singko ng hapon nang sabihan ako ni Nana Pacing na may naghahanap daw sa aking
mga kaklase. Ine-enjoy ko ang
magandang tanawin at ang medyo malamig na simoy ng hanging amihan sa terasa
nang mga panahong iyon. Ang terasa ay nasa likod ng bahay kung saan mamamasdan
ang magandang landscape ng aming
hardin na alaga ng hardinero naming si Tata Pilo na asawa ni Nana Pacing.
Nang
tanungin ko kung sino ang mga bumibisita'y sumagot si Nana Pacing na,
"tatlo sila… dalawang magandang babae at isang lalaki... nagpakilala iyong
Carla."
Si
Carla... hangga't maaari'y iniiwasan ko ito magbuhat nang malaman kong matindi
ang pagkagusto sa akin. Harap-harapan nitong inamin sa akin na crush niya ako. Hindi naman pangit si
Carla, sa katunayan, siya pa nga ang muse
namin sa klase. Pero kilala ko na ang mga tipo niya, ilan na nga bang
lalaki ang nagdaan sa kanya? Sa edad nitong magdi-disi-sais, duda ako kung
donselya pa ito. Kita naman kasi na hindi rin ito seryoso sa buhay, at higit sa
lahat, ginagawa niyang palipasan ng oras ang mga lalaki.
Nakita
ni Nana Pacing ang pagbabago sa mukha ko. Ngumiti ito ng makahulugan saka
nagsabing, "kung ayaw mong papasukin ko, sabihan ko na lang na
nagpapahinga ka..."
Ngumiti
ako kay Nana Pacing, sa ilang taon ko nang pananatili sa bahay na ito, siya na
rin ang tumayong ikatlong ina ko. Kilalang-kilala na ako nito, sa ekspresyon pa
lang ng mukha, alam na niya kung ano ang gusto at hindi ko gusto.
Gayunpaman,
nagpaka-civil ako at nagdeklarang
papasukin na lang ang mga bumibisita.
May dala
pang bulaklak at mga prutas ang tatlo kong kaklase – ang bise presidente at
pinakamalapit kong kaibigang babae, si Marjorie; ang P.R.O. at escort ng klase, ang kabatak kong si Warren ; at si Carla.
Pinatuloy na sila ni Nana Pacing sa terasa at pinaupo ko na sila kung saan nila
gustong umupo.
"Uy...
mga tols... salamat naman sa dalaw. Pinasaya niyo araw ko, ah," bungad ko
sa mga kaklase ko.
"Para
sa iyo nga pala," ani Carla at iniabot sa akin ang basket ng prutas at
bulaklak saka nagpalinga-linga at nagkumento, "Ang laki naman ng bahay
niyo, Drew, parang ang sarap tumira dito. Ang ganda-ganda."
"Salamat,"
matipid kong sagot saka ako bumaling kina Marjorie at Warren na parehong nagpapalinga-linga.
"Nakakahiya
naman sa iyo, Drew," ani Warren
at kapansin-pansin ang pagiging asiwa sa paligid, "ganito lang ang hitsura
namin. Buti pinapasok kami ng katulong niyo."
"Nge!
Ako nga ang nahihiya sa inyo dahil nag-aksaya pa kayo ng oras para dalawin lang
ako. Kaya nga todo ang pasasalamat ko sa inyo, eh. Salamat talaga mga
tols," ikako, sansala sa kaklase kong si Warren . Ayoko rin namang ma-out of place ang mga bisita ko, lalo
na't aminado naman silang katamtaman lang ang kalagayan nila sa buhay.
Sa
kanilang tatlo, ang maykaya lang kung tutuusin ay si Marjorie. Iyon ay dahil sa
ama niyang seaman na ilang beses na
pabalik-balik sa ibang bansa. Pero aminado si Marjorie na hindi naman ganoon
kaganda ang takbo ng buhay nila lalo na kapag hindi nakakasakay ang tatay niya
ng ilang buwan, halos kapusin din sila.
Si
Warren naman ay scholar kaya
nakakayanan niyang mag-aral sa St. Benedictine. Bukod sa scholarship na natatanggap niya buhat sa
isang foundation na kunektado sa St. Benedictine, sumasali rin siya sa
maraming extra-curricular activities.
Minsan, nahihirapan na rin ito dahil sa mga malalaking gastos sa school, pero dahil sa pagsusumikap,
binibigyan siya ng mga special projects ng
mga guro na alam nilang kaya niyang gawin.
Si Carla
naman ay pinapaaral lamang ng tiyahin niyang DH sa Canada .
Ako,
masuwerte lang din siguro ako't maykaya at mababait ang umampon sa akin.
Subali't sa mga naiwan sa akin ng mga magulang ko, kung tutuusin, kaya ko na
rin sanang tumayo sa sarili kong mga paa. Iyon nga lamang ay wala pa ako sa
tamang edad para humawak ng malaking responsibilidad.
Lumapit
ako kay Warren
at inakbayan ko ito saka nagsabing, "Feel
at home ka lang 'tol. Upo ka muna. Ano nga palang gusto niyong
makakain?"
"B-Busog
pa kami," sagot ni Warren.
Sinansala
naman siya ni Marjorie na wari ba'y feel
at home na agad. Sabagay, siya naman talaga ang pinakamalapit kong
kaibigan, "Ano ka ba, Warren ?
Feel at home nga daw, eh. Nahihiya ka
pa diyan…"
"Hay
nako," sabi ni Carla, "kagagaling lang namin sa computer shop at may pinatapos sa amin si Ms. Katigbak. Hindi pa nga kami nagmemeryenda."
"Ganoon?"
sagot ko, "sige, magpapahanda ako kay Nana Pacing ng masarap na sandwich. Kung gusto niyo naman, pasta o kaya pizza."
"Naku,
nakakahiya naman..." nahihiya na namang sagot ni Warren, "huwag
na."
"Ipapahiya
mo pa yata ako, tol…" wika ko at pumormal, naggalit-galitan, "minsan
na nga lang kayo dadalaw, eh."
"Sige,"
ani Marjorie, "pizza na
lang."
"Sige,"
sang-ayon kong nakangiti, "tawag lang ako saglit sa delivery..."
Matapos
tumawag sa delivery hotline ay
binalikan ko na ang mga kaklase ko at nagsimula na kaming magkuwentuhan. Maya-maya'y
nakita kong lumabas si Kuya Kasey sa kuwarto niya, pormang may lakad. Simple
lang ang suot nitong naka-jeans na
kupasin at kulay brown na polo shirt.
"Kuya,"
tawag ko. Naglingunan ang mga kausap ko sa tinawag ko, at nang marinig naman
ako ni Kuya Kasey at nakitang may bisita ako ay maluwang ang naging ngiti nito
at lumakad palapit sa amin.
Tumayo
ako nang makalapit sa akin si Kuya Kasey at iniakbay ko ang kaliwang kamay sa
balikat niya, "Guys, eldest brother ko, si Kuya Kasey,"
pakilala ko.
Nakita
ko ang maluwang na ngiti ni Marjorie, halata kong nagka-crush kaagad kay Kuya Kasey kaya siya ang una kong pinakilala.
"Kuya,
si Marjorie, iyong madalas kong ikuwento sa inyong kaibigan ko. Bise Presidente
namin sa klase…" kinamayan siya ni Kuya Kasey; medyo nagtagal ang kamayan
nila at nangiti ako sa reaksyon ni Marjorie.
"Finally we met. I heard so much about you. Madalas
ka ngang ikuwento sa amin ni Andrew kaya I
feel like I already know you. Buti naman at napadalaw kayo…" kumento
ni Kuya.
"Thank you po, Kuya. Pleased to meet you, po," nahihiyang sagot ni Marjorie.
"Tapos,
siya naman si Warren ," sabay turo ko kay Warren na nakaupo sa
kabilang parte ng table at kumaway na
lang nang nakangiti kay Kuya, saka magalang na nag-bow, "...P.R.O. namin
at escort."
"At
si Carla, ang muse namin..."
"Hi Kuya, I'm Andrew's girlfriend nga
pala..." sabad ni Carla, pagpapakilala sa sarili, sabay lahad ng kanyang
kamay.
Nabigla
ako sa tinuran ni Carla. Sa katunayan, hindi lang ako ang nagulat, ganundin
sina Marjorie at Warren .
Takang-taka silang napatingin kay Carla – pagkuwa'y ay sa akin. Hindi ako agad
nakakibo at para akong napipi lalo na nang mapamata sa akin si Kuya Kasey na
naghihintay ng kumpirmasyon sa mukha ko.
Napatungo
ako – parang ako na mismo ang nahiya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay
Carla o matatawa. Umiling-iling na lang ako sabay sabing, "R-Really?" na hindi ko alam kung
naintindihan ng mga kasama ko dahil ako mismo'y hindi ko alam kung ano ang
naging facial expression ko nang mga
panahong iyon. Nagngitian ang dalawa ko pang kaklase na para bang uncertain kung ano ang totoo.
Hindi ko
na nakita ang reaksyon ni Kuya Kasey nang abutin niya ang kamay ni Carla. Pero
pag-angat ko nang tingin sa kanya'y matalim ang naging titig niya sa akin at
kunot ang noo.
"Hmm...
hindi ka naikukuwento sa amin ni Andrew," medyo malamig ang naging tono
nito kay Carla, at medyo may diin ang pagkakabanggit nito ng pangalan ko.
"Ay,"
sagot naman ni Carla sabay hagikgik na tila hindi nakakahalata sa sitwasyon,
"bago lang po kami... wala pa po kaming one week."
Hindi ko
talaga alam kung paano kong ipagtatanggol ang sarili. Ni hindi ko alam kung
saan nakukuha ni Carla ang mga kuwento niya. Napatingin ako sa mga mukha ng mga
kaklase ko at pilit humahanap ng kakampi pero sila mismo'y napipi at gulat na
gulat sa rebelasyon ni Carla – rebelasyong wala namang katotohanan.
Nang
lumapit si Carla at iniangkla ang kamay sa braso ko, noon ako nakaramdam ng
matinding inis kaya napakuyom ang palad ko pero nagpigil ako. In an attempt na huwag mapahiya si
Carla, hindi na lang ako kumibo.
Tumangu-tango
si Kuya Kasey. Titig na titig sa akin. Pero magaan ang boses niya nang
magpaalam, "Sorry, guys, hindi
ko na kayo maiistima... I'm in a hurry.
Nice meeting all of you," anito
saka kagyat na kumaway bago nagmamadaling lumayo. Isang matalim na tingin ang
itinapon niya sa akin bago siya tuluyang maglaho sa paningin namin.
Saan yung previous novel?
ReplyDeleteo.o
the previous novel ay may pamagat na "Pagkamulat" at mayroon itong 11 chapters.
Delete