(Ang Pagpapatuloy ng Kuwentong: PAGKAMULAT)
by: Ginoong A. Serrez
Bahagya akong naalimpungatan sa ilang mararahang tapik sa balikat ko. Naramdaman ko agad ang bahagyang lamig ng hanging ibinubuga ng airconditioning unit sa kaliwang pisngi ko, gayundin ang init at ginhawang dala ng comforter kong ibinigay sa akin ni Tita Mariana last Christmas. Nakauwi na pala ako’t padapang nakatulog sa kama ko.
“Drew, gising muna…” anang tinig ng lalaking nanggigising sa akin.
Ang unang pumasok sa isip ko’y si Kuya Keith. Siya lang naman sa mga kapatid ko ang pumapasok sa kuwarto ko at nanggigising sa akin. Bahagya lang akong kumibot upang ipaalam na nagising na ako subali’t hindi pa rin ako dumidilat o nagbigay ng senyales na babangon na.
“Okay ka lang ba, Drew?” muli’y narinig kong pabulong na tanong ng nanggigising sa akin.
Napakunot ang noo ko, naninibago sa uri ng tono at bigkas ng lalaking nanggigising sa akin. Saka ko lang din naproseso ang kakaibang timbre ng tinig nito… madiin ang mga katinig, mababa ang timbre, malinaw ang mga titik, maganda ang modulation ng boses… sigurado akong hindi ko ito malimit na naririnig.
Napilitan akong dumilat. Hinanap agad ng mga mata ko ang lalaking nanggigising. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko at nakatingin sa akin.
“K-Kuya Kyle…”
Tila napapahiya akong bumangon sa di ko alam na dahilan. Andaming tanong na biglang bumaha sa isipan ko subali’t ni isa’y wala akong naisabibig.
“Hindi ka kumain. Tinatanong ka ni Mommy…”
“Nasa ibaba ba sila Mommy?” bigla ko lang naitanong.
“Umalis sila ni Daddy, kasama yata si Kuya Kasey. May pinuntahan yatang friend ni Mommy… Iyon na nga, tinatanong kung napano ka na. Masama pa ba ang pakiramdam mo?”
Hindi ako agad makasagot. Para akong napipi at di malaman kung ano’ng sasabihin ko. Una, parang nangingimi ako dahil hindi ko ine-expect na papasok sa kuwarto ko si Kuya Kyle. Hindi ko alam kung bakit pero, pakiramdam ko, of all my “siblings” siya iyong least expected ko na ii-invade ang privacy ko.
“Just… t-tired… I guess…” pagdadahilan ko.
“We’re just worried, you know… alam mo naman na sobrang pag-aalala namin lahat sa iyo when you were hospitalized kaya gusto lang naming masiguro na okay ka.”
May way si Kuya Kyle ng pagsasalita na nakakasaling ng puso. Masarap din ang timbre ng kanyang boses sa pandinig. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
“Salamat Kuya… Napagod lang siguro ako sa exams buong araw. Halos wala akong break eh. Two days worth of exams ang pina-take sa akin this day kaya double effort ako.”
“Ah, I see. Hindi ka ba nagugutom? Masarap iyong dinner na pinrepare ni Manang.”
“Mukhang di ako dinadalaw ng gutom Kuya. Pero babangon na rin siguro ako. Light sandwich lang siguro para lang magkalaman ang tiyan ko.”
“Okay. Sige, ako na bahala sa sandwich mo. Hihintayin kita sa ibaba,” anito saka tumayo.
“Thanks ng marami Kuya,” saka ko lang napansin na nakauniporme pa ako, “Magbibihis lang ako. Di na pala ako nakapagbihis ng pambahay.”
“Pansin ko nga. Sige mauna na ako para makapagbihis ka na,” paalam nito at tuluyan nang lumakad papunta sa pinto upang lumabas. Sinabayan ko naman iyon ng pagbangon upang tumungo sa restroom upang manubigan. Nang mapukaw ang pansin ko ng shower stall ay nagdesisyon akong mag-shower muna kahit light lang pagkatapos manubigan.
Kagyat na gumaan ang pakiramdam ko sa pagdampi ng maligamgam na tubig sa aking balikat. Hinayaan kong lunurin sansaglit ng yakap ng tubig ang mga sandali.
Gayunpaman, may ilang himaymay ng alaala ng maghapon na pilit na umokupa ng malaking espasyo ng aking isipan. Natigilan akong muli. Nadama ko ulit ang takot at ibayong lungkot na kanina lamang ay umaalipin sa akin. Tila gusto kong humiyaw na di ko mawari. Pakiramdam ko, helpless na helpless ako. Ni hindi ko rin alam kung kanino ako hihingi ng payo – kahit si Kuya Kasey, pakiramdam ko, hindi ako mauunawaan.
Parang kailan lang nagdesisyon na akong huwag nang pahirapan ang sarili ko. Pakiramdam ko noon, madali lang ang lahat. Nakinig ako sa mga sinasabi sa akin ni Kuya Kasey, at aplikable sa mga panahong iyon kung ano ang mga ipinayo niya sa akin.
Subali’t nang mahalo sa usapan si Carla, parang naiba ang istorya. Nagalit si Kuya Kasey sa akin nang dahil sa kanya, nakahiging ako ng hinampo kay Marjorie nang malaman niya ang tungkol sa amin, at pakiwari ko’y hindi rin ito nagustuhan ni Tatay Ben. Hindi marunong mahiya si Carla at hindi ko alam ang takbo ng utak nito – ang pagpapanggap niyang kasintahan ko kay Kuya Kasey; ang pagyakap at paghalik nito sa harap mismo ni Kuya Kevin; at ang hayagang pakikipaghalikan nito sa akin sa gitna ng mga nakapaligid na mga estudyante, mga guro at mga personnel ng school, saka ko lang napagtanto na hindi tama ang nagiging takbo ng mga sitwasyon.
Naisip ko rin, kung ang normal na pakikipagrelasyon ng babae at lalaki ay maaaring maging dahilan upang mapag-initan ako ng mga nasa administrasyon ng paaralan, ano pang maaaring maging epekto kung malalaman nilang may nagagawa pa akong higit pa roon? Ano’ng mangyayari kay Tatay Ben kapag may nakahuli sa amin? Naisip ko si Doc Mike, ano kayang gagawin ng ospital kapag nalaman nila ang naganap sa pagitan naming tatlo nina Kuya Kasey? Si Mr. Robles, ano’ng magiging reaksyon ng school kapag nalaman ang sansaglit na kalaswaang namagitan sa amin? Paano ang pamilya niya?
Naisip ko rin, ano kayang mararamdaman ni Tita Mariana – ang babaeng tumuring sa akin bilang isang tunay na anak, ang babaeng walang ipinakitang masama sa akin at sinuportahan ako sa lahat ng pangangailangan ko – kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Carla? Sa ginawa ko kay Mr. Robles? kay Tatay Ben? at sa namamagitan sa amin ng mismong panganay niyang si Kuya Kasey, gayundin sa nangyari sa toilet ng ospital?
Ang mga kapatid ko… si Kuya Keith, na siyang naging kalaro ko at pinakamalapit sa akin sa magkakapatid; si Kuya Kyle, na tumuring sa aking isang tunay na kapatid… si Kuya Kevin na ngayon ko lang nakaka-close… hindi kaya nila ako pandirihan? Kamuhian? Laitin? Kutyain?
Kung buhay pa ang mga magulang ko, hindi kaya nila pagsisihan ang pagbuhay sa akin nang dahil sa kinasapitan ko?
Kaya heto ako ngayon, balik ulit sa square one. Litung-lito na naman at tila nawawala sa sarili. Ni hindi ko na maalala kung gaano akong katagal nakababad sa tubig, kung kailan ako lumabas ng banyo, at kung gaano katagal na akong nagtutuyo ng buhok habang hubo’t hubad akong nakaupo sa gilid ng kama. Bahagya pa akong naalarma nang makarinig ako ng mga katok kahit hindi ko na halos maproseso sa utak ko ang mga kaganapan. Diretso ako sa pinto at binuksan ito. Sa likod nito’y itinago ko ang hubad ko pang katawan upang silipin sa siwang na nilikha ng pagkakabukas ng pinto kung sino ang kumakatok.
“K-Kuya Kev?” bulong ko, di ko maiwasang di mabigla.
“Di ka pa raw kumakain?” tanong niya, kunot-noo, bahagyang iritado.
“E-Eh K-Kuya…” aywan kung bakit tila bigla akong nakaramdam ng kaba. Para kasi akong nakakita ng pagkadisgusto sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Kagagaling mo lang sa sakit, tapos, nagpapabaya ka sa pagkain? Hindi ba kairesponsablehan iyan?”
Kinabahan na ako ng tuluyan. Hindi maganda ang tono ng pananalita ni Kuya Kevin.
“K-Kuya… s-saglit lang… Bababa na ako p-para kumain… m-magbi… m-magbibihis lang ako saglit…” tila umiikot ang puwit kong hindi ko mawari. Nagmamadali kong iniwan ang pinto na di ko na naisipang isara dahil sa sobrang pagkataranta. Para akong trumpong di malaman kung saan unang didiretso para makahagilap kung ano’ng aking isusuot.
Nang makahagilap ako ng puting briefs ay agad ko itong sinuot. Subali’t nang tuluyan ko nang maisuot ang panloob ay saka lang nahagilap ng mga mata ko ang aninong nakatayo sa bandang pinto. Hindi ko alam na tuluyan na palang pumasok si Kuya Kevin at nakamata sa akin. Lalong rumehistro sa utak ko ang takot at nakadama ako lalo ng pagkataranta. Isang hablot sa puting tanktop, isang jersey shorts na di ko na naalisa ang kulay at wala pang isang minuto’y naisuot ko na kapwa.
“Sorry Kuya…” wika ko makatapos magbihis at tinungo ko ang kanyang kinatatayuan, “bababa na po… kakain na ako…”
Nakarinig ako ng isang malalim na buntung-hininga buhat sa kanya bilang tugon bago ito nagpatiunang lumabas sa kuwarto ko upang bumaba at tunguhin ang komedor.
Halos hindi ko manguya ng maayos ang pagkaing nasa harapan ko. Tuwing magagawi ang tingin ko kay Kuya Kevin na nakaupo sa harap ko, hindi ko maiwasang di mahiya at matakot. Wala siyang imik habang nakamata sa akin sa pagkain.
Ang inaasahan kong light sandwich na gagawin sana ni Kuya Kyle para sa akin ay wala sa hapag – bagkus, mainit na kanin, bagong pritong manok, ginisang gulay, at mainit na sabaw ang nakahatag… sa gilid ng pinggan ko, isang baso ng freshly-squeezed orange juice at isang baso ng tubig. Kahit hindi ako gutom, hindi ako makatanggi; kahit hindi iyon ang inaasahan kong pagkain, hindi naman din ako makapagtanong. Ayaw ko pa ring masinghalan ng wala sa panahon.
Marami-rami ang kanin pero pinili kong ubusin na lang. Napansin kong nakamata si Kuya Kevin sa paubos na kanin sa pinggan ko kaya di na ako nag-atubiling pigilan siya nang dumampot siya ng isang pinggan nang sa tantiya ko’y tatayo siya para kumuha ng kanin sa rice cooker, “K-Kuya Kev… ok na… b-busog na po ako… a-ako na po bahala magligpit.”
Inilapag niya ang plato nguni’t di niya ako tiningnan sa mukha. Tahimik lamang itong tuluyang tumayo at iniwan akong nakaupo sa hapag. Sinundan ko na lamang ng tingin kung saan siya tutungo bago ko tuluyang inubos ang natirang kanin sa pinggan ko. Ininom ko ang isang basong tubig at isinaisangtabi ang juice.
Inilipat ko sa maliliit na plastic container ang natirang ulam para mailagay ko sa ref. Hinugasan ko ang pinagkanan, pinunasan, at maayos na iniligpit sa cupboard. Pinunasan ko na rin ang mesa. Dala ko ang orange juice nang lisanin ko ang komedor.
Tinungo ko ang direksyong pinuntahan ni Kuya Kevin – sa terasa. Inabutan ko siyang nakatalungko sa kaliwang gilid ng unang baitang ng hagdan pababa sa hardin kung saan tila ito nakatitig sa kawalan. Nakakatakot lapitan. Pakiramdam ko, bumalik ulit ang katauhan ng masungit kong kapatid. Subali’t inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko. Umupo ako sa kanang gilid, mahigit isang metro ang layo sa kanya, at inilapag ko sa aking kaliwa ang tangan kong baso.
Tila kami mga complete strangers. Pinilit kong huwag mapadako ang aking mga mata sa direksyon kung saan siya nakaupo. Ilang minuto pa lang marahil ang lumilipas subali’t ang katahimika’y dumagdag sa nakakaririnding paghihintay kung kaninong tinig ang titibag sa tila ba napakakapal na pader na pumapagitan sa amin ngayon.
“Hindi ka ba nagtataka?”
Instantaneous ang pagkakabaling ng tingin ko kay Kuya Kevin – gulat sa biglaan niyang pagbasag sa katahimikan. Hindi ko man masyadong nawawaan ang tinanong niya, para akong nakaramdam agad ng saya nang marinig ko ang tinig niya – mababa, walang diin, pangkaraniwan. Wala na ang bahid ng kanina’y tila pagkauyam.
“Kuya Kev?”
“Hindi ka ba nagtataka?” ulit niya.
“S-Saan?” kuwestiyon ko.
“Sa akin…” saka lang ito tumingin sa mga mata ko.
Medyo malabo ang rehistro ng tanong ni Kuya Kevin sa utak ko. Hindi ko masimulan kung saang bahagi ng pagkatao niya ako magsisimula. Ayaw kong magbuka ng bibig at baka may masabi akong hindi niya magustuhan.
Muli niyang binawi ang kanyang tingin at itinunuon sa kawalan.
“Gaano ka na katagal dito sa amin, Drew?” dugtong niyang tanong.
“Magse-seven years…?” di ko siguradong sagot.
“Seven years. Wala ka bang napapansing kakaiba?” tila may malalim na pinaghuhugutan ang mga tanong ng nakatatanda kong kapatid sa akin.
“Sa iyo?” muli’y walang kasiguraduhan kong tanong bilang tugon.
“Sa akin… sa buong pamilya…” tila nawawala sa sariling bigkas ni Kuya Kevin.
“H-Hindi kita maintindihan…”
Natahimik kami kapwa. Hindi ko alam ang dumadaloy sa utak ni Kuya Kevin. Parang random questions lang ang lumalabas sa mga bibig niya at nagsusuma-total ang utak ko sa mga bagay na sinasabi niya. Wala akong ka-clue-clue kung saan tutungo ang magiging usapan namin.
Makalipas ang ilang minuto’y muli ko siyang narinig.
“Naniniwala ka ba sa akin?”
“Tungkol saan?” nagtataka ko nang tanong, bahagyang kinakabahan. Hindi ko talaga malaman kung bakit paiba-iba siya ng tanong at tila hindi rin naman yata siya naghihintay ng kasagutan buhat sa akin.
Tumingin siyang muli sa akin.
“Hindi ko na kayang kimkimin ang mga nararamdaman ko, Drew. Pakiramdam ko, ikaw lang sa pamilyang ito ang kaya kong pagkatiwalaan.”
“Hah?” Tuluyan nang kumabog ang dibdib ko. Seryoso ang mukha ni Kuya Kevin. Pero hindi ko pa mapagtagni-tagni ang mga koneksyon ng mga tanong niya sa akin. Isa na naman ba itong mabigat na rebelasyon?
“Narinig ko’ng usapan niyo ni Kuya (Kasey) sa kuwarto mo noong gabi bago ka isinugod sa ospital,” pahayag ni Kuya Kevin bago ito muling yumuko.
Doon na ako napamaang sa sobrang gulat. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Halos tumakbo ng milya-milya ang kabog ng dibdib ko. All this time, alam na pala ni Kuya Kevin ang tungkol sa amin ni Kuya Kasey?
“K-Kuya K-Kev…” nauutal kong sambit, di ko alam kung paano magpapatuloy. Hindi ko alam na mas may gugulantang pa palang rebelasyon sa akin.
Hindi naman siya naghintay nang matagal. Sinansala niya ako at nagsabing, “No, no… Huwag kang masyadong mag-alala Drew, pangkaraniwan na lang iyang ganyan sa bahay na ‘to.”
Lalo akong napipi sa ipinahayag ni Kuya Kevin. Litong-lito na talaga ako… hindi ko alam kung paano magre-react. Marahil nabakas ni Kuya Kevin ang halu-halong emosyong gumulo pa lalo sa isipan ko.
“Drew, di ko maiaalis sa iyo ang magtaka… ang matakot… ang malito sa mga bagong bagay na natutuklasan mo sa paligid mo… marami ka pang di alam sa pamilyang kinabibilangan mo na ngayon kaya mabuti pang malaman mo kung ano pa’ng mga bagay na maaari mong matuklasan. Tungkol sa akin… tungkol sa pamilyang ito.”
Napaisip ako – sa kabila ng pagkayanig ng pagkatao ko sa mga rebelasyon. Kaya ba aloof si Kuya Kevin? Ito bang mga sinasabi niya ngayon ang dahilan kung bakit parang nagre-rebelde siya sa pamilya niya? Gaano ba kabibigat ang mga rebelasyong ito para mas ipagkatiwala niya sa akin ang lahat, higit sa pagtitiwala niya sa sarili niyang mga magulang?
“Gusto ko lang malaman mo, gaano man kabigat sa tingin mo ang pinagdaraanan mo… wala kang dapat ikatakot… huwag kang mag-alinlangan na magtapat sa amin… sa akin… dahil sinisiguro ko sa iyo, maiintindihan ka namin… at kung ano man ang gumugulo diyan sa isip mo, sinisiguro ko sa iyo… maiintindihan kita.”
“Kuya Kevin…” ang tangi kong nasambit.
Bigla akong napahagulgol. Siguro dahil sa pagkakatuklas na hindi na rin pala lihim ang bagay na matagal-tagal ko na ring pinaghihirapang itago. Nahihirapan din akong i-pinpoint kung ano ang kausap ko ngayon… kakampi ba? O kaaway? Hindi ko kasi alam kung ang mga sinasabi niya sa akin ay dapat ko bang ikakampante o ikatakot at ikahiya. Itinakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Kasabay nito ang pagsuko ko sa napakabigat at patung-patong na emosyong lumulunod sa buo kong pagkatao.
Hindi ko na alam kung gaano katagal akong humahagulgol. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kuya Kevin. Umisod na pala ito palapit sa akin nang hindi ko nararamdaman. Tinapik-tapik ako sa balikat - marahil ay pamamaraan niya ng pang-aalo sa akin. Subali’t lalo akong naiyak…
“Kuya… ba’t umiiyak iyan?” pabulong na tanong na sa pandinig ko’y nagbubuhat sa aming likuran. Ni hindi ko na namalayan ang paglapit ng isa pa sa aking mga kapatid.
“Ssshh… ako na bahala rito, Keith…” mahinang sansala ni Kuya Kevin, “iwan mo muna kami.”
Narinig ko na lang ang papalayong mga yabag. Ilang sandali pa’y nagsimulang magsalita si Kuya Kevin.
“Alam ko’ng pinagdaraanan mo Drew. Nalilito ka. Nasa-shock. Hindi pangkaraniwan sa iyo ang mga naganap, and that’s okay. Ang hindi okay ay ang pinagdaraanan mo sa kalooban mo. Kapag lumalim iyan, mag-iiwan iyan ng isang pilat sa utak mo na maaaring magtulak sa iyo para mawala sa tamang direksyon. But take it from me, hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo dahil lang sa takot na nararamdaman mo.”
“I don’t know Kuya. Pakiramdam ko, hindi dapat nangyari sa akin iyon. It’s not right, Kuya…” nagawa kong maisagot sa gitna ng mga singhap.
“Then just say no and leave. Kung anuman ang ayaw mong gawin, tanggihan mo. Kung hindi ka pumapayag sa mga ginagawa sa iyo, tumalikod ka at lumayo. Kung hindi mo hahayaang gawin sa iyo ang hindi mo gusto, walang gagawa noon sa iyo.”
Para akong natauhan sa kasimplehan ng sagot ni Kuya Kevin. Napatigil ako sa pag-iyak.
“Ganoon lang kadali iyon?”
“Ganoon lang kadali iyon,” sigurado ang sagot ni Kuya Kevin.
“Paano kung may nagawa na ako? Kung pumayag ako? Na hindi ko alam kung kagustuhan ko o nagpadala lang ako sa kahinaan ko? Wala bang weight iyon?”
“The weight of what you have done is just an illusion created by only you. If you treat it as a colorful part of your wonderful past and leave it there, then it will be. If you treat it as something that will haunt you for the rest of your life, then, it will also be.”
“What about the people I know? Ano’ng sasabihin nila? Wala bang halaga iyon?”
“However you live your life is your choice alone - people will always choose to say whatever they want to say – but they aren't necessarily saying the absolute truth. The only truth in your existence is your own reality – your own thoughts, your own feelings, your own emotions. If you choose not to listen to them, then their words won’t matter to you; if you choose to give them importance, then their words will matter. At the end of the day, your thoughts are your reality. The rest nang mga bagay na dumaraan sa five senses mo are nothing but illusions of the vibrations created by energy. Ikaw lang ang puwedeng pumili nang kung anong damdamin ang puwede mong i-associate sa mga bagay na nakapaligid sa iyo.”
“Like how?” tanong ko bagaman bahagyang gumagaan ang pakiramdam ko dahil nakakakita ako ng katuwiran sa mga pangungusap ni Kuya Kevin.
“For instance: Sex… or better yet, gay sex. Some don’t have any idea it actually exists; some deny its existence; some ignore it; some live it; some enjoy it once in a while; some do it in hiding; and there were some who did it and their bodies crave for it but decided to throw it all away just so they can consider themselves ‘normal’ again.
“Some people frown on it; some are half-curious about it; some are dying to try it… while some are bathing in the glory of its ecstasy.
“To some it is a pet-peeve; yet to some it is a fetish. Some see it as a beautiful thing; but some see it as an abomination… To some it’s just a lifestyle, yet to some it is the deterioration of human spirit…
“Some accept it as an ordinary happenstance; yet some see it as an elusive fantasy… Some consider it a taboo; yet some consider it as a wonderful fairy tale… to some it’s a nightmare, while others see it as a fantasy-fulfillment!
“But you know what, at the end of the day, when you scan the amount of people around you… 95 per cent of them won’t even have the time to care.
“So, in reality, it’s all up to you… to choose which people to value; to filter which words are conducive to your personal growth; to find encouraging words amid criticisms; to focus on that one friendly face amid what seems to be a crowd of haters… everything you think, feel, speak, and do… it’s all up to you.”
Wala akong ibang masabi kundi, “I don’t know what to say…”
“Drew, uulitin ko lang sa iyo however odd or strange it may sound to you, what happened between you and Kuya Kasey is nothing beyond the ordinary in here. At ang masasabi ko lang – sa pamilyang ito, walang sinuman ang huhusga sa iyo. That I can guarantee you.”
“Pero Kuya… hindi mo alam kung ano’ng pinagdaraanan ko…”
“Siguro nga, may iba akong hindi alam… pero wala namang ibang nag-iisip niyang pinagdaraanan mong iyan kungdi ikaw lang… sino bang nahihirapan? Di ba ikaw lang din? Walang ibang taong nagpapasok ng takot sa iyo kungdi ikaw lang, therefore, ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo.”
“Pero ayokong may masabi sa akin sina Mommy. I wanted to be the best in everything I do. I want them to be proud of me. Ano na lang sasabihin nila ‘pag nalaman nila ang nangyari sa amin ni Kuya Kasey…?”
“Andrew… bago ka pa man naospital, they’ve already known.”
“Haaaah?” Hindi ko na alam kung ano ang mas malakas… ang ekspresyon ko ng pagkagulat o ang mga kabog sa dibdib ko. Halu-halo na ang emosyon. Hindi ko na alam kung paano ako magre-react.
“Napag-usapan namin iyon. Sa totoo lang, muntik na kaming nagpang-abot ni Kuya noong gabing nalaman ko ang tungkol sa inyo. Galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa sa niya sa iyo. Pero, gaya nga ng sinabi ko sa iyo, there’s something strange in this family. Nakita mo naman… parang wala lang iyong nangyari… nothing has changed… no one changed… except perhaps… me.”
Sa lumanay ng pagsasalita ni Kuya Kevin, patuloy man ang nararamdaman kong pag-aalala at takot, parang nawalan ako ng dahilan upang umiyak. Naglabas ng panyo si Kuya Kevin buhat sa bulsa niya at ibinigay sa akin.
“Buti naman at natigil ka na sa pag-iyak. Magpahid ka muna. Ang pangit mo palang umiyak,” wika nito na tila nagpagaan sa damdamin ko at bahagya akong napangiti.
Matapos akong magpahid at suminga sa panyong ibinigay niya, tiningnan ko nang mata sa mata ang kausap ko.
“Pinagtatanggol mo pala ako… Salamat Kuya.”
“Well… that time, oo… kasi naman, that time, it wasn’t consensual. But if what he said is true na nagkaunawaan na kayo and something happened between the two of you ulit noong nasa hospital ka… I lift my hands off of it. Pumapayag ka na e, iba nang usapan iyon.”
“K-Kuya???”
“Drew… we may not know everything… but we know at least the important details.”
Namagitan ulit sa amin ang katahimikan. Sa isip-isip ko, bakit ko nga ba pinahihirapan ang sarili ko? Pakiramdam ko, ito na iyong pinaka-weird na portion ng pagkakatira ko sa bahay ng mga Thomas. In fact, I find this conversation so much weirder than my recent escapades. Parang pakiramdam ko, wala ng “gulat factor” sa pamilyang ito. Ang nakakatawa lang, kahit na marami sa mga questions ko ang nasagot, that despite everything, walang nagbago – pakiramdam ko, hindi ito totoo… na parang nasa isang psychiatric session lang ako at pagkatapos nito, babalik na naman sa dati ang lahat. Gugulo na naman… matatakot na naman ako… malilito.
Pero muling napukaw ang aking atensyon ng mga binitiwang salita ni Kuya Kevin.
“But you know what, all these things, all these drama – it’s all just a play in the minds of those who refuse to move beyond their boundaries. Siguro, ang natutunan ko lang out of all these happenings, iyong wala akong mararating kung sisirain ko ang buhay ko sa pagrerebelde. I admit, this setup in the family, this weirdness – it’s just too much for me. Ang hindi ko alam, lalo ko lang palang ikinukulong ang sarili ko sa bahay na ito by choosing not to focus in my studies. Na kung hindi ako makakatapos, I won’t be able to leave this place for the rest of my life.”
“Is that what brought the change in you, Kuya?” tila wala sa sarili kong tanong.
Ngumiti si Kuya Kevin at muli akong inakbayan.
“Well… actually, Ikaw. You were the reason for my change.”
“Huh? A-Ako? Ba’t ako?” tila naasiwa kong tanong.
“Naaalala ko kasi ang sarili ko sa iyo. Ganyan din ang naramdaman ko nang unang mangyari sa akin ang nangyari sa iyo. I felt violated… filthy. Diring-diri ako sa sarili ko. Kaya ang tagal kong nagkimkim ng galit… ang tagal kong nagkulong… ilang taon akong nagtago para lang di na maulit iyong nangyaring iyon sa akin. And in this family, no one will ever understand why I felt like that. Kasi nga, normal na lang iyon sa kanila… kaya sarili ko ang sinisisi ko. Kasi akala ko, ako ang masama… ako ang di nakakaintindi. Akala ko, ako ang may problema. But when I heard you that night, and realized how you reacted sa ginawa sa iyo ni Kuya (Kasey)… it was an awakening. Na-realize ko, there was nothing wrong with how I took it; there was nothing wrong with how I felt. Natural lang pala talaga ang makadama ako ng rejection sa sarili ko at sa mga taong gumawa sa akin ng ganoon. Natural lang pala ang makadama ako ng galit at pagkauyam."
Bahagya na lamang ang pagkabigla ko sa ipinagtapat na iyon ni Kuya Kevin. Nahigingan ko nang dito patungo ang usapan dahil sa uri nang mga rebelasyon niya sa akin… sa mga sagot sa mga una niyang katanungan.
“And then, I thought, if I didn't agree with what was done to me, I have to do something about it. Either I continue to rebel, continue to live in seclusion, or leave. But if I choose to leave, kailangan ko ring magplano. If I leave without money and without any idea of what’s to happen in my life – then I may not survive. I want to survive. I want to taste the freedom that I think I deserve. And the only way I can do that is by finishing my studies. Then I’ll find a good job to support myself… tapos, aalis na ako rito. In the meantime, I’d like to make staying here worth my while. So I decided, I should at least be kind to someone… and since we, at least, have the same first reaction on this experience, and that at some level, we understand each other, I thought it should be you.”
“Kuya…” damang dama ko ang sincerity sa mga salita ni Kuya Kevin.
Ilang seconds din ang nakalipas bago ko ginagap ko ang kaliwa niyang kamay ng aking kanan at saka muling nagsalita.
“Kuya… all these revelations… pati ang mga katwiran mo at mga payo, I highly regard them. And I might still be crying in fear right now kung hindi mo ako kinausap. Sa totoo lang, gulung-gulo na ang isip ko. Because of this conversation, nagkaroon ng sagot ang maraming mga tanong na bumabagabag sa akin. You have no idea how big a help you are to me. Maraming-maraming salamat, Kuya.
“And I assure you, when you’re feeling low… if you need someone to talk to… to understand you… I am here for you," dagdag ko.
Ngumiti si Kuya Kevin at umakbay sa akin. Ang sarap sa pakiramdam… nang biglaang paglaya… nang makahanap ng kakampi… nang makahanap ka ng isang taong matatanggap ka sa kabila ng mga imperfections mo.
Maganda na sanang matatapos ang lahat, kung hindi lang ako biglang nag-comment ng magkalas kami sa pagkakayakap sa bawa’t isa, “I just can’t believe Kuya Kasey could do it to both of us...”
Biglang natigilan si Kuya Kevin. Parang bigla siyang naging alumpihit at tila nagdadalawang isip kung dapat ba siyang magsalita.
“It wasn’t him who did it to me.” Tiim-bagang niyang tugon.
Bigla akong kinabahan sa sagot niya. Parang nakaramdam ako ng pagbaligtad ng sikmura sa imaheng pumasok sa aking isipan. Ang inosenteng mukha, ang kagalang-galang niyang presensiya, ang kapita-pitagan nitong tindig… and mabait at mapagmahal na asawa… hindi kaya si… no… NO! Hindi pupuwedeng siya… Please let it be another person…
“Kung ganoon… s-sino???” nangangatal ang labi ko dahil naramdaman ang muling panginginig ng katawan ko.
“S-Si D-Daddy…” galit niyang sagot, pagkuwa’y biglang nanahimik…
Tuluyan akong nanghina nang makumpirma ang aking sapantaha. Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Uncle Frank sa sarili niyang anak ang paglapastangan dito. Nakadama ako ng matinding habag kay Kuya Kevin. Mas kahabag-habag pala ang pinagdaraanan nito kumpara sa pinagdaraanan ko. Iniangkla ko ang kaliwa kong kamay sa katawan niya bilang pagkokonsola. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya gayundin ang pangunguyom ng kanyang mga kamay… naramdaman ko ang naipong galit sa kanyang kalooban.
Pero hindi ko inaasahang may karugtong pa pala ang kanyang confession… karugtong na, nang mga sandaling iyon, wari ko’y gumunaw ng tuluyan sa perpektong mundong kinalalagyan ko.
“… at saka… si Mommy!”

Welcome back!
ReplyDeleteClap clap. More entries pls
-Doc
Thanks Doc... I will try to update it as soon as I can. Cheers!
ReplyDelete